45 minutes lang ang flight from Cebu to Iloilo. Kung di gaanong maulap, matatanaw mo lang ang Negros Island before Iloilo. Puro bukirin ang tanawin pababa ng Iloilo Airport. Honga pala, ang Iloilo Airport ang pinakabagong gawang Airport sa bansa. Situated ito sa Sta.Barbara. Mas maganda pa ito kaysa sa NAIA Airport, mas maliit nga lang.
Sa Jaro, Iloilo City kami tumuloy. Bagamat maayos ang panahon, medyo humid din. Masasarap ang pagkain. Recommended ang Lapaz Bachoy ng Iloilo. Di ko rin pinalagpas ang Biscocho. Binisita rin namin ang Nuestra Senora de Candelaria ng Jaro. Dito bininyagan ang isa sa ating mga bayaning si Graciano Lopez Jaena.
Isa sa mga sikat ng festival dito ay ang Dinagyang. Bagamat hindi Enero, pinalad akong makasaksi ng isang performance nito sa SM Iloilo. Sobrang ganda. Sana, makapunta ako na may actual parade na!
See more pics!
Sunday, May 25, 2008
Iloilo: Festivities Capital
Labels: travel events and experience, work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment