Last June 3, sa request ng anak kong si Sam, nagpunta kami sa Bagong Manila Ocean Park. Sa likod lang ito ng Quirino Grandstand, Luneta Park Manila.
Malaki na nga ang pinagbago ng lugar. Bagamat di pa gaanong tapos ang istraktura, marami nang mga tao ang dumadayo para masaksihan ang mga naggagandahang nilalang ng dagat na ngayo'y nasa park. Di lang ito basta park, may future plan din para sa mga hotel and mall settlement dito.
Sa halagang 400php per head sa adult at 350php sa seniors and children, maituturing na may kamahalan bagama't sulit ang pagbisita sa lugar na ito lalo't underwater enthusiast ka. Talagang nakaka-engganyong matanaw ang mga nilalang ng dagat na ito. Sana nga lang, di sila naaabuso.
Isa pang sayang ay ang nakakadismayang hitsura ng manila bay na nasa likod lang ng park na ito. Makikita mo ang napakaraming lumutung na basura. Senyales ba ito ng maunlad ng bayan o bayang kulang sa disiplina. Hay!
Di bale, nag enjoy naman ng husto ang aking anak at ang aming buong pamilya sa Ocean Park.
See more pics!
Wednesday, June 4, 2008
Manila Ocean Park
Labels: family, travel events and experience
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Nice. I owe it to my kids to take them there sometime soon. Is this the same place where the H20 hotel is now?
Edward
philippines shop online
Post a Comment