Friday, October 5, 2007

My Dog Mica and George Champ

Pambihira! Por pabor Marimar! Hi Fifi! Mga katagang ating nariringgan sa programang Marimar na binabanggit ng paborito nitong asong si Polgoso. Hay! Ang totoo, mahilig talaga akong mag-alaga ng aso pero sa tanang buhay ko, ngayon palang ako magtatagumpay sa kaasuhan (di pwedeng katauhan eh...) ng mga alaga kong sina Mica at George.

Nagkaroon pa ako ngayon ng isa pang tuta, si George Champ. Mix breed ng rotweiller. Mga 5 weeks palang pero kitang kitang mas lamang ang mix nito sa rotweiller. Pati characteristic ni George, nakuha sa lahi. Mapaglaro, makulit, mahilig din mangagat pero pag hinapo, walang pakialam, matutulog at matutulog talaga. Hahaha...Nakakatuwa.



Si Mica, ang nailhathala ko rito mga 1 buwan mahigit nang nakakalipas ay balik sigla na. Buti nalang, may malapit na beterinaryo sa amin at agad nalunasan ang sakit. Gaya ng isang bata, kailangan din pala ng mga aso ng karampatang bakuna para malunasan ang mga karamdamang kanilang makukuha mula sa pagiging tuta hanggang pagiging ganap na aso. Naalala ko tuloy na nung nagkasakit si Mica, kailangan pang i-dextrose pang aso...hahaha, natuwa rin ako. Sa ngayon, masiglang masigla na at nanghahabol pa. Pinabakunahan ko na ng anti rabbies nung isang gabi.



See more of their pix in this Link:

My Doggie Mica, My Doggie George

0 comments:

 

blogger templates | Make Money Online