Wednesday, January 2, 2008

Big day ni Ate Lois sa January 12

Nakakatuwang malaman na isa sa mga best friend mo sa office, ikakasal na. Hay! Naaalala ko pa a year ago kung paano ko tuksuhin ang taong to. Sabihin ko ba namang “ Uy ate, ilang taon nalang, mawawala ka na sa lotto, wala ka paring asawa”. Meron pang, “Kapag kinasal ka, sagot ko ang baboy…….(1kilo)”. “Ate, sayang ka kung di ka mag-aasawa….hehehe”. Daming pangaasar ano. Nandyan pang tinanong ko sya kung gusto nya, hanapan ko nalang sya ng makaka-date. Or baka pagmamadre ang bokasyon nya. Sa lahat ng pang-aalaska ko, ang ipinakita lang nya ay ang kanyang napakatamis na ngiti.

Si ate, adviser ko yan. Pag ako inaabot ng topak mapa-pamilya man o pang-opisinang problema, nandyan sya para gabayan ako sa tama. Napaka balance nya mag-isip. Mare-realize mo, tama ang mga suggestions nya. Hay! May edad na kasi eh…hehehe.

At ngayon, dumating na ang tamang panahon. Ikakasal ka na ate sa wakas! Sa wakas ha! Hehehe! Di kaya nabigla ka lang? Di kaya, nadala ka lang sa mga pag-aasar namin? Hahaha! Di naman sana.

Don’t worry ate. Happy talaga ako para sayo. Sana, maging maligaya ka sa magiging buhay may-asawa mo. At to Chris, Bro, ate ko yan….hahahaha

P.S. Abay nga pala ako….heheheh!

Tuesday, January 1, 2008

My 2007 Year End Review

Natapos nanaman ang isang taon sa aking buhay. Taon na punong puno ng karanasan, hitik sa mga kaalamang di matatawaran. Ipinagpapasalamat ko ito ng lubos sa diyos na syang may akda ng aking buhay.

Mga significant na nangyari sa akin sa taong 2007

January: Full Network Administration on Manels Corp
February: Baguio Panagbenga with friends from Manels
March: SMS Alumni Homecoming
April: Recognition day ni Sam
June: Sumali ako sa scandalous Francswiss
June: Birthday ng Sam ko
July: Member,Manels Champion Team, FTI League
August: SMS Foundation day
September: Naakyat ko na rin ang Mt. Pulag
November: Kinasal kami ni Maria Romina Diaz
December: Birthday namin ni Mina

At panalangin ko na sa pagdating ng taong 2008, isang panibagong pag-asa at ibayong sigla para sa aking pamilya at mga taong naka-paligid sa akin.

Happy New Year sa lahat!

 

blogger templates | Make Money Online