Monday, May 19, 2008

The Travel to Cebu by Sea


First time kong nakasakay ng malaking barkong pampasahero. Byaheng Cagayan de Oro papuntang Cebu City. Madami kaming kasabay, palibhasa na-cancel ang mga byahe the other day.

Gabi kami nung magbyahe kaya di ko maiging natanaw ang CDO pag-alis ng barko. Tourist ang kinuha naming ticket sa Cebu Ferries. Wala man kaming kasamang naghatid, nag pretend nalang kami nang makikaway kami sa mga taong naghatid sa mga kamag-anak nila nung paalis na. 10 hours ang byaheng CDO to Cebu.

Since medyo masama ang panahon, pati ang dagat, maalon. Ramdam mo at talagang nakakahilo. Di ko pinalagpas ang pagkakataong umakyat sa deck at mag site seeing kahit gabi. Malalaki ang mga alon, pero bali wala sa malaking barkong nasakyan ko.

5am ako nagising, pinilit kong tumayo para tanawin ang sunrise. Breath taking ang view. At 6am, dumaong na kami.

Cebu, here we come!

See more pics!

0 comments:

 

blogger templates | Make Money Online