May 14-16, 2008
Yan ang makikita mo paglapag mo ng Cagayan de Oro Airport. Kakatuwa dahil nasa bundok ang airport nila. Ito ang kabisera ng Misamis Oriental, part ng Northern Mindanao. Nakakaintindi man ako ng bisaya, malamang, maibebenta parin ako dito.
Madami akong napansin sa lugar na ito. Ang mga taxi nila, tinalo pa ang manila. Karamihan, mga bago! Hmm, nakaka-engganyo talagang mag taxi. Ang mga tricycle naman, sinulit ang espasyo para magkasya ang 11 pasahero, kasama na dito ang driver. May ilan na akong nakitang trike na ganito sa bicutan noon, pero dito, ito ang uso. Mura lang ang pamasahe sa mga PUB’s and trike nila compared sa manila. P6.00 lang ang minimum fare.
Matao rin ang kanilang centro, kahit hating gabi, parang Olongapo rin. Nasa Divisoria ang centro! Opps! Di ito ang Divisoria ng Manila, talagang Divisoria ang pangalan ng lugar.
Mga authentic food na famous from:
- Marang, kaso seasonal fruit sya kaya di ako nakabili
- Chedeng (Brand pala ito ng roasted peanut, proudly from CDO)
- Pastel (Bread na may lamang special yema, and also comes with different variety)
Sayang at sarado na ang Davao branch namin, dito na ako sa CDO namili ng mga malong na pambasalubong.
See more pics!
Monday, May 19, 2008
Cagayan De Oro: City of Friendship
Labels: travel events and experience, work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment