BORACAY: A perfect summer destinations for couples and friends. Di namin to pinalagpas. Experience to believe. Totoo nga!
Day 1 (May 2, 2008):
Sa airport palang, ang gugulo na namin. Di halatang excited. Dito nabuo ang bagong depenisyon ng solo. Na delay ng konti ang flight, mga 5 minutes lang naman.
From Kalibo airport, nauna na ang mga sms alumni friends namin ni Mina papunta ng Caticlan habang dumalaw muna kaming dalawa sa grand pa ko sa New Washington, Aklan. Di ko man nasaksihan ang eksenang “taga IYA ako”, nasulit ko naman ang pagdalaw sa mga kamaganakan ko. First time ko sa Barrio nung 3 taon palang ako at ngayon palang nasundan.
Hapon na kami sumunod sa Boracay. Bagamat di ko nagamit ang discount ko bilang half blood aklanon, narating naman namin ang Paraiso ng Boracay ng maayos. Pagdaong panga ng Boracay, nag-alangan pa ako dahil naiksian ako sa byahe ng Bangka mula Caticlan hanggang Bora.
Sa Sanders White kami tumuloy (Station 2). Humabol nalamang kami ni Mina sa Dinner Buffet kasama ang mga alumni friends namin. Nagpa brayed si Mina habang nag bar hopping naman kami nung gabing yon.
Day 2 (May 3, 2008):
Scheduled island hopping namin. May nakuha ng contact sina Apol. Complete package ito, kasama na ang lunch buffet. Nilibot namin ang buong isla ng Bora. Isa sa mga nakita namin ang umanoy bakasyunang bahay ni Manny Pacquiao. Una naming tinigilan ang “reef-reefan: pretending reef pero hindi na”. Dito kami nag snorkelling. Sunod, sa isang beach front na konti lang ang tao. Photo event ito. Puro solo “solo: kumpulang pagpapa-picture, bagong depinisyon”. Picture perfect ng group at breath taking underwater shots (sa pangpang nga lang).
Dahil inabot na kami ng tanghali, tinungo na namin ang aming pagdarausan ng lunch buffet. Sulet ang food. Napagkamalan pa si Sam na waiter ng isa ring customer. Taray phenomenon ang effect ng nasabing pangyayari…Hehehe.
Huli naming tinungo ang Crystal Cove. May mga breath taking sceneries dito at 2 caves. Dun kami naligo.
Buffet nanaman pagdating ng gabi at deretso tulog pagkatapos. Kapagod din kasi. Di ko pala nakakalimutang birthday ng mom ko.
Day 3(May 4, 2008):
Schedule namin maligo at mag relax sa isang private beach owned by Cojuanco’s (ASYA). Thanks kay Athel, we got great deal dito. Maganda ang views, facing Caticlan. Consumable ang package, the food and the amenities including kayaking, snorketing and beach volleyball. Nilibot pa namin ang area, recommended ito sa mga nagha-honeymoon. Hmmp!
Isa isa ang mga boys na nagdive sa isang dive spot don din sa area. Super swabe talaga. Sensya sa mga di tumalon. Ika ni Sam, sup*&*. Dito na kami ng buffet lunch.
ATV (All terrain vehicle) ang kasunod naming activity. First time ko kaya excited. Nag test drive muna kami bago sumabak. Perfect sa practice pero di parin nakaiwas sa accident sa actual. Hahaha, nasugatan lang naman ako sa daliri ng paa after sumemplang kami ni Nick….NickkkkkK! Hehehehe! No worries naman ako besides nalapatan agad ng First Aid. Thanks kay Russel ni Athel and Tin na wife ni Tone.
Na reach namin ang summit ng Mt. Luho. Tanaw namin dito ang buong isla ng bora 360 degrees. Since less than an hour lang yung ATV, nakakabitin talaga.
Nagpa-baba kami sa Station 1 para ma-experience ang very publicized “Jonah Shake”. And the verdict, masarap naman. Try nyo ang Sago!
Another buffet dinner and after nito, drinking galore hanggang mag-umaga sa shore. 4 na bottles ng Tequilla and many more. For sure may nabangenge.
Day 4 (May 5, 2008)
After nang magdamagang inuman, naligo ako sa beach. Mas masarap talagang mag swim ng madaling araw. Namili na kami ni Mina ng mga pampasalubong at naghanda sa pag-uwi. Nakita ko pa yung neighbour namin habang nag-iinternet ako sa isang wifi spot ng station 2.
Hapon na kami umalis ng Bora. Nasita nanaman kami sa Pier. This time, sinabi kong taga Jugas ako. Nakalusot man ako, di pinalagpas ang ilang kasamahan namin. Hirap palang mag-aklanong barok, bagamat nakalusot kami, mga pinsan ko kako kasi sila.
Delay flight nanaman kami though ilang minuto lang naman. 8pm, nasa manila na ulit kami.
Next time, susubukan ko naman ang Siquijor.
See the pics: click here
Friday, May 9, 2008
The BORA Experience
Labels: friends, travel events and experience
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Kakainggit kayo! Wahehehe!!! Saang lupalop naman kayo next year? Hopefully makajoin na ko. Great pics on your blog. :)
Post a Comment