Last June 15, kasama ang buong Pamilya sa angkan ng Pioquid at Minglana, nagkayayaan kaming mag swimming sa Sun Ciy, Pansol, Calamba, Laguna. Double Celebration itong maituturing. Celebration ng 8th Birthday ni Sam at Father's Day na rin. Nakakatuwa lang at sa mga oras na yun, nagkaroon ng family bonding.
Nakakatuwang makita ang mga magulang, asawa, anak, pinsanan at mga pamangkin na nagkukulitan habang ini-enjoy ang hot spring. Sulit ang gastos at pagod sa preparasyon, atleast, nakita mong sila'y masaya.
Hay! sana, masundan!
Monday, June 16, 2008
Family Swimming at Sun City
Labels: family
A tribute to a Father
Nuong Linggo, June 15, umapaw ang CP ko sa mga text messages na dumating. Puro's pagbati ng "Happy Father's Day Drew"
Dapat nga siguro, 1 whole week celebration ang Father's Day, dahil kung tutuusin, hindi kakayanin ng 1 araw, o ng 1 linggo, o ng isang taon pa ang magagandang bigay ng mga ama sa mundo. Ipinagpapasalamat kong ang tatay ko ang numero uno kong idolo, sa kasipagan, sa kabaitan, sa pagaaruga at pagmamahal.
At sa araw ng mga Ama, magandang balikan ang mga kagandahang naiambag sa atin ng ating mga Ama, na dapat ipagpasalamat.
A Happy Fathers day to all the Dad's out there specially to my 2 Father in Law, Papang Fred, Daddy Romy and my only Dad, Lucito Minglana.
Honga pala, Dad narin pala ako! Happy Father's Day to me.
PS. Salamat sa lahat ng mag bumati.
Labels: family
Wednesday, June 11, 2008
Happy Birthday my dearest daughter Sam
My daughter's growing up so fast
eight full years have now past.
From infant it's quite the contrast
I wish those days could always last.
Letting her grow up, is so hard
I hold her in highest regard.
The works she's written avant-garde
my daughter is a brilliant bard.
Her writing started very young
words seemed to roll right off her tongue.
Some of her works are lyrics sung
it's the elite that she's among.
I hope my words aren't too cliche
and now without further delay.
The wishes that I now convey
I say Sam, Happy Birthday.
Friday, June 6, 2008
Alvin Minglana to Bermuda
Isang napakagandang oportunidad ang dumating sa buhay ng kapatid ko. Opportunity to work as a Senior Accountant sa isang Top Financial Company sa Bermuda. Direct hire sya dito, at ang maganda, lahat ng expenses nya sa preparation at pagpunta sa Bermuda, sagot ng company na nag hire sa kanya. Ayala Land ang pinanggalingang company ni Alvin or Bheng sa tawagan namin at Financial Analyst na sya doon.
Hinatid namin si Bheng kagabi (8pm) sa NAIA. He's flying to Bermuda, a British Colony sa Atlantic. 1 hour airplane trip lang eh nasa New York kana. Sabi nga nya, baka sa New York na lang sya mag spend ng Christmas at New Year.
Di ko nakakitaan ng kalungkutan ang nanay namin. Sana'y na raw syang pareho kaming nasa business trips parati pero ika nga, iba parin ang ibang bansa. Matagal tagal syang mawawalay sa amin. Kahit ang tatay ko, nagpakita ng tikas ng loob (ewan ko lang kung umiyak). Pagkatapos mag-paalam sa lahat, lalo na sa anak kong paborito nya, niyakap ko na ang kapatid ko at nag-biling magdasal, maging smart at mag-iingat palagi.
I wish all the best in life for my brother pero ang sabi nya, gagawin nya ang lahat para mas maiangat ang antas ng aming pamumuhay lalo na para sa mga magulang namin.
Labels: family
Wednesday, June 4, 2008
Manila Ocean Park
Last June 3, sa request ng anak kong si Sam, nagpunta kami sa Bagong Manila Ocean Park. Sa likod lang ito ng Quirino Grandstand, Luneta Park Manila.
Malaki na nga ang pinagbago ng lugar. Bagamat di pa gaanong tapos ang istraktura, marami nang mga tao ang dumadayo para masaksihan ang mga naggagandahang nilalang ng dagat na ngayo'y nasa park. Di lang ito basta park, may future plan din para sa mga hotel and mall settlement dito.
Sa halagang 400php per head sa adult at 350php sa seniors and children, maituturing na may kamahalan bagama't sulit ang pagbisita sa lugar na ito lalo't underwater enthusiast ka. Talagang nakaka-engganyong matanaw ang mga nilalang ng dagat na ito. Sana nga lang, di sila naaabuso.
Isa pang sayang ay ang nakakadismayang hitsura ng manila bay na nasa likod lang ng park na ito. Makikita mo ang napakaraming lumutung na basura. Senyales ba ito ng maunlad ng bayan o bayang kulang sa disiplina. Hay!
Di bale, nag enjoy naman ng husto ang aking anak at ang aming buong pamilya sa Ocean Park.
See more pics!
Labels: family, travel events and experience
Sunday, June 1, 2008
Amazing Fireworks Display at MOA
I'm once amazed on how the dark sky of Manila Bay turned out to be a stage of fantastic and colorful lights brought by the World Pyro Olympics held in our country. It was my first time watching it near the venue.
People watching did really enjoy the night. Families, Friends, what an awesome night. For sure, many of us will wait for another year to watch this fantastic exhibitions. Oh, don't worry, 7 months to go and its NEW YEAR once again!
See pics!
Labels: friends, travel events and experience, work
My SAM's 1st communion
Before her 8th birthday, my daughter took 2 more catholic sacraments. Confession and Holy Communion.
I took a leave to attend my daughter's 1st communion on May 30, 2008, Friday at St. Joseph Parish Church, Taguig City. Proud to say, she's on the right path. Thru the guidance of my mom, who took care of her in my absents (since i'm working), she guided my only child on defining what is right and wrong.
Oh one more, May was also dedicated to the blessed Virgin Mary, and my daughter took part in the celebration of the Flores de Mayo
I'm one proud Dad!
See more pics!
Labels: family, travel events and experience
Friday, May 30, 2008
CELTICS vs LAKERS after 21 years
21 years in the making for a comeback match between this 2 stellar NBA Teams. Its final, CELTICS win the EAST and LAKERS on the WEST, and they will now face-off for the prestigious Larry O'Brian trophy, the NBA Title. No doubt from the start that Celtics is a strong contender,with thier BIG 3 (Pierce, Garnette and Allen). But we can't under estimate Briant's MVP form together with Odom and newly hired Gasol on their lineup.
This will be Phil Jackson 11th appearance in the finals as head coach. (10/11 WIN/LOSS). I consider the tri-combination of Bryant, Odom and Gasol can match the power of the BIG 3. Their respective bench will determine the end result.
The matchup between this 2 celebrated teams could be described as POWER vs WILL, HUNGER VS MUCH HUNGER and LEGACY vs LEGACY.
On my prediction, CELTICS will grab it 4-2.
Labels: sports
Monday, May 26, 2008
Guimaras: Island of Promise
Kilala ang Guimaras sa pagiging source ng sweetest mango sa buong mundo. Pero hindi lang pala ito, madami din silang maipagmamalaki gaya ng mga beach fronts nila na ubod ng linis.
Naalala nyo pa ba ang oil spill na tumama malapit sa isla na ito, salamat at wala na!
Sinadya namin ang Guimaras, salamat kay Jho (kasama namin sa work sa Manels) na taga dun. 15 minutes boat ride lang from Iloilo City papuntang pantalan ng Guimaras sa Jordan. Mula doon, nag trike ride kami papunta sa bahay nila. Dun na kami nagpalipas ng gabi.
Umaga na ng tumungo kami sa isang beach front na pag-aari ng pamilya ni Jho. Ika nga, di na namin kailangan pang pumunta sa mga developed na beaches sa area. Maganda ang paligid, ang tanawin. Ang tubig dagat, malinaw. Di ka magsisisi. Talagang nakakapang-relax ang lugar.
Di ko nakalimutang bumili ng manggang Guimaras!
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Sunday, May 25, 2008
Iloilo: Festivities Capital
45 minutes lang ang flight from Cebu to Iloilo. Kung di gaanong maulap, matatanaw mo lang ang Negros Island before Iloilo. Puro bukirin ang tanawin pababa ng Iloilo Airport. Honga pala, ang Iloilo Airport ang pinakabagong gawang Airport sa bansa. Situated ito sa Sta.Barbara. Mas maganda pa ito kaysa sa NAIA Airport, mas maliit nga lang.
Sa Jaro, Iloilo City kami tumuloy. Bagamat maayos ang panahon, medyo humid din. Masasarap ang pagkain. Recommended ang Lapaz Bachoy ng Iloilo. Di ko rin pinalagpas ang Biscocho. Binisita rin namin ang Nuestra Senora de Candelaria ng Jaro. Dito bininyagan ang isa sa ating mga bayaning si Graciano Lopez Jaena.
Isa sa mga sikat ng festival dito ay ang Dinagyang. Bagamat hindi Enero, pinalad akong makasaksi ng isang performance nito sa SM Iloilo. Sobrang ganda. Sana, makapunta ako na may actual parade na!
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Monday, May 19, 2008
Great Lunch at Casa Verde with Jayzel
May 19, 2008
Pinaunlakan ko ang yaya ng alumni friend kong si Jayzel dito sa Cebu. Sinundo pa nya ako sa Ayala mall. Together with my colleagues sa Manels, we went to Casa Verde where Jayzel work as the Accountant.
Treat nya ang lunch. Mga 20 minutes travel from Ayala mall, sa Ramos, matatagpuan ang Casa Verde. Sinasadya ang restau na to. Famous ito for their Baked Ribs, na dinadayo pa. Class restau sya, pero mura ang food, highly recommended talaga. Adding the ambiance na parang nasa old mansion house ka facing the garden, the experience will really entice you na bumalik balik.
Hmm, kaya pala malusog si Jayzel. Thanks sis for the lunch! We really enjoy!
See more pics!