I'm once amazed on how the dark sky of Manila Bay turned out to be a stage of fantastic and colorful lights brought by the World Pyro Olympics held in our country. It was my first time watching it near the venue.
People watching did really enjoy the night. Families, Friends, what an awesome night. For sure, many of us will wait for another year to watch this fantastic exhibitions. Oh, don't worry, 7 months to go and its NEW YEAR once again!
See pics!
Sunday, June 1, 2008
Amazing Fireworks Display at MOA
Labels: friends, travel events and experience, work
Monday, May 26, 2008
Guimaras: Island of Promise
Kilala ang Guimaras sa pagiging source ng sweetest mango sa buong mundo. Pero hindi lang pala ito, madami din silang maipagmamalaki gaya ng mga beach fronts nila na ubod ng linis.
Naalala nyo pa ba ang oil spill na tumama malapit sa isla na ito, salamat at wala na!
Sinadya namin ang Guimaras, salamat kay Jho (kasama namin sa work sa Manels) na taga dun. 15 minutes boat ride lang from Iloilo City papuntang pantalan ng Guimaras sa Jordan. Mula doon, nag trike ride kami papunta sa bahay nila. Dun na kami nagpalipas ng gabi.
Umaga na ng tumungo kami sa isang beach front na pag-aari ng pamilya ni Jho. Ika nga, di na namin kailangan pang pumunta sa mga developed na beaches sa area. Maganda ang paligid, ang tanawin. Ang tubig dagat, malinaw. Di ka magsisisi. Talagang nakakapang-relax ang lugar.
Di ko nakalimutang bumili ng manggang Guimaras!
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Sunday, May 25, 2008
Iloilo: Festivities Capital
45 minutes lang ang flight from Cebu to Iloilo. Kung di gaanong maulap, matatanaw mo lang ang Negros Island before Iloilo. Puro bukirin ang tanawin pababa ng Iloilo Airport. Honga pala, ang Iloilo Airport ang pinakabagong gawang Airport sa bansa. Situated ito sa Sta.Barbara. Mas maganda pa ito kaysa sa NAIA Airport, mas maliit nga lang.
Sa Jaro, Iloilo City kami tumuloy. Bagamat maayos ang panahon, medyo humid din. Masasarap ang pagkain. Recommended ang Lapaz Bachoy ng Iloilo. Di ko rin pinalagpas ang Biscocho. Binisita rin namin ang Nuestra Senora de Candelaria ng Jaro. Dito bininyagan ang isa sa ating mga bayaning si Graciano Lopez Jaena.
Isa sa mga sikat ng festival dito ay ang Dinagyang. Bagamat hindi Enero, pinalad akong makasaksi ng isang performance nito sa SM Iloilo. Sobrang ganda. Sana, makapunta ako na may actual parade na!
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Monday, May 19, 2008
Great Lunch at Casa Verde with Jayzel
May 19, 2008
Pinaunlakan ko ang yaya ng alumni friend kong si Jayzel dito sa Cebu. Sinundo pa nya ako sa Ayala mall. Together with my colleagues sa Manels, we went to Casa Verde where Jayzel work as the Accountant.
Treat nya ang lunch. Mga 20 minutes travel from Ayala mall, sa Ramos, matatagpuan ang Casa Verde. Sinasadya ang restau na to. Famous ito for their Baked Ribs, na dinadayo pa. Class restau sya, pero mura ang food, highly recommended talaga. Adding the ambiance na parang nasa old mansion house ka facing the garden, the experience will really entice you na bumalik balik.
Hmm, kaya pala malusog si Jayzel. Thanks sis for the lunch! We really enjoy!
See more pics!
The Travel to Cebu by Sea
First time kong nakasakay ng malaking barkong pampasahero. Byaheng Cagayan de Oro papuntang Cebu City. Madami kaming kasabay, palibhasa na-cancel ang mga byahe the other day.
Gabi kami nung magbyahe kaya di ko maiging natanaw ang CDO pag-alis ng barko. Tourist ang kinuha naming ticket sa Cebu Ferries. Wala man kaming kasamang naghatid, nag pretend nalang kami nang makikaway kami sa mga taong naghatid sa mga kamag-anak nila nung paalis na. 10 hours ang byaheng CDO to Cebu.
Since medyo masama ang panahon, pati ang dagat, maalon. Ramdam mo at talagang nakakahilo. Di ko pinalagpas ang pagkakataong umakyat sa deck at mag site seeing kahit gabi. Malalaki ang mga alon, pero bali wala sa malaking barkong nasakyan ko.
5am ako nagising, pinilit kong tumayo para tanawin ang sunrise. Breath taking ang view. At 6am, dumaong na kami.
Cebu, here we come!
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Cagayan De Oro: City of Friendship
May 14-16, 2008
Yan ang makikita mo paglapag mo ng Cagayan de Oro Airport. Kakatuwa dahil nasa bundok ang airport nila. Ito ang kabisera ng Misamis Oriental, part ng Northern Mindanao. Nakakaintindi man ako ng bisaya, malamang, maibebenta parin ako dito.
Madami akong napansin sa lugar na ito. Ang mga taxi nila, tinalo pa ang manila. Karamihan, mga bago! Hmm, nakaka-engganyo talagang mag taxi. Ang mga tricycle naman, sinulit ang espasyo para magkasya ang 11 pasahero, kasama na dito ang driver. May ilan na akong nakitang trike na ganito sa bicutan noon, pero dito, ito ang uso. Mura lang ang pamasahe sa mga PUB’s and trike nila compared sa manila. P6.00 lang ang minimum fare.
Matao rin ang kanilang centro, kahit hating gabi, parang Olongapo rin. Nasa Divisoria ang centro! Opps! Di ito ang Divisoria ng Manila, talagang Divisoria ang pangalan ng lugar.
Mga authentic food na famous from:
- Marang, kaso seasonal fruit sya kaya di ako nakabili
- Chedeng (Brand pala ito ng roasted peanut, proudly from CDO)
- Pastel (Bread na may lamang special yema, and also comes with different variety)
Sayang at sarado na ang Davao branch namin, dito na ako sa CDO namili ng mga malong na pambasalubong.
See more pics!
Labels: travel events and experience, work
Friday, March 7, 2008
TOTAL Head Office at Puerto Galera
March 6-7, 2008
Nagsimula lang ito sa simpleng yayaan, hanggang sa naging Head Office outing na. Sa totoo lang, na finalize lang ito, 2 days before the event. Ayus din!
Kakatuwa, kasi ba naman, na-assign akong sumama sa pamimili ng veggies and fruits. I suggested na sa Libertad, Pasay nalang since malapit lang yung sa Buendia at dun kami sasakay papuntang Batangas Pier. In short, 4am, gising na ako (di pa excited to..hmmp) at tumungo na sa Pasay Rotonda to meet Eloi, Ryan and Janice who will accompany me in buying. Ayus talaga kasi fresh at mura pa ang mga napamili naming.
We are supposed to leave Buendia at 7am kaso, since we are Filipino, our time culture is really distinctive. Nah! So since ang napa-reserve naming boarding time is 10am, na-adjust to to 11:30am which means, naiwan na kami and we have to be transferred nalang sa next hour schedule. Nah again! Buti nalang at sikat na sikat si RSA dun. Biro mo ba naman, sa Balagtas, Batangas City palang, may sumasalubong na naghahanap ng nagpa-reserve na “Rosalin Amaki (it should be Amaqui)..hahaha! This time din pala, di Bryan ang nasakyan naming kundi yung Commandos / Russel John.
Exciting ang travel from Batangas Port to Puerto Galera. Nabigo man kaming makakita ng dol-phin-nal, nag-mukha naming surfing board ang bangka namin. Malakas ang alon dahil sa amihan. Wala naming nasuka, merong nahilo pero nag-enjoy parin naman.
As usual sa White Beach kami nag-punta at sa Nipa Hut Resort kami tumuloy. Napa-reserve na to actually, a day before the said schedule (Thanks RSA!) First things first, syempre kumain diba. Thanks sa mga chefs namin na sina RSA, FMS, CMV, MMP, Janice and Sharon. Galing nyo guys!
Syempre, we’ve done the most important thing. To enjoy the sand and the salty water of the beach. Weather is quite calm na though may konting raindrops nung gabi that’s why na-udlot ang inuman galore sa beach front. Maraming namulot ng tinatawag naming “gratitude stone” or “good luck stone” (Thanks sa movie na “The Secret”). Tinuloy naming ang gimik nung gabi. Nag bar pa kami don.
The next day was even more exciting kasi we planned na mag-snorkeling. Muntik nang mabulilyaso pero natuloy parin. Though di na ganong kaganda ang coral reef nila, atleast some of us manage to experience seing these corals and ofcourse, lumutang sa lagpas taong layo sa shore diba. Plus factor nalang ang ganda ng views.
Till next adventure.
Wednesday, January 2, 2008
Big day ni Ate Lois sa January 12
Nakakatuwang malaman na isa sa mga best friend mo sa office, ikakasal na. Hay! Naaalala ko pa a year ago kung paano ko tuksuhin ang taong to. Sabihin ko ba namang “ Uy ate, ilang taon nalang, mawawala ka na sa lotto, wala ka paring asawa”. Meron pang, “Kapag kinasal ka, sagot ko ang baboy…….(1kilo)”. “Ate, sayang ka kung di ka mag-aasawa….hehehe”. Daming pangaasar ano. Nandyan pang tinanong ko sya kung gusto nya, hanapan ko nalang sya ng makaka-date. Or baka pagmamadre ang bokasyon nya. Sa lahat ng pang-aalaska ko, ang ipinakita lang nya ay ang kanyang napakatamis na ngiti.
Si ate, adviser ko yan. Pag ako inaabot ng topak mapa-pamilya man o pang-opisinang problema, nandyan sya para gabayan ako sa tama. Napaka balance nya mag-isip. Mare-realize mo, tama ang mga suggestions nya. Hay! May edad na kasi eh…hehehe.
At ngayon, dumating na ang tamang panahon. Ikakasal ka na ate sa wakas! Sa wakas ha! Hehehe! Di kaya nabigla ka lang? Di kaya, nadala ka lang sa mga pag-aasar namin? Hahaha! Di naman sana.
Don’t worry ate. Happy talaga ako para sayo. Sana, maging maligaya ka sa magiging buhay may-asawa mo. At to Chris, Bro, ate ko yan….hahahaha
P.S. Abay nga pala ako….heheheh!
Tuesday, January 1, 2008
My 2007 Year End Review
Natapos nanaman ang isang taon sa aking buhay. Taon na punong puno ng karanasan, hitik sa mga kaalamang di matatawaran. Ipinagpapasalamat ko ito ng lubos sa diyos na syang may akda ng aking buhay.
Mga significant na nangyari sa akin sa taong 2007
January: Full Network Administration on Manels Corp
February: Baguio Panagbenga with friends from Manels
March: SMS Alumni Homecoming
April: Recognition day ni Sam
June: Sumali ako sa scandalous Francswiss
June: Birthday ng Sam ko
July: Member,Manels Champion Team, FTI League
August: SMS Foundation day
September: Naakyat ko na rin ang Mt. Pulag
November: Kinasal kami ni Maria Romina Diaz
December: Birthday namin ni Mina
At panalangin ko na sa pagdating ng taong 2008, isang panibagong pag-asa at ibayong sigla para sa aking pamilya at mga taong naka-paligid sa akin.
Happy New Year sa lahat!
Labels: travel events and experience, work
Thursday, October 4, 2007
Why people are leaving?
Three of my closest officemate and friend sa Manels had filed their resignation this 3rd quarter of the year alone. Nakakalungkot pero life has to go on. No one should stop them from leaving since I believe, they know whats best for them selves. Yun nga lang, for sure I will think why nagiging trend itong resignation sa amin. I kept asking, "How about me? Will I follow them?"
To be honest, I'm also thinking, of finding a greener pasture for me. My question are, is this the right time?, am I satisfied with the company am working right now?, should I follow that resigning trend right now? How about my future? Nahhhhh! Dami na tuloy akong naiisip.
Well, di naman aalis ang isang empleyado if happy sya sa employer nya. Kasi, pwedeng, sawa na sya sa work, or he/she doesn't see improvement in his/her career, salary and benefit.
Siguro, I have to evaluate my self din...
To this friends who will be leaving us, good luck guys! I know your doing what is right for you and for family. Magkikita-kita parin naman tayo eh! Bon voyage!
Joanne Villania - MTDS HR Supervisor
Tina Saniego - System Support Head
Paul Reyes - Construction Supervisor
Saturday, September 22, 2007
The Successful event at Laoag
Last September 18, nag travel ako papuntang Laoag, Ilocos Norte. I'm one of the committee ng company namin for our company promotion na Dare to Win, Reach for your Dreams 3, kung saan, ito ang 2nd monthly draw, for Laoag. Sa Grand Draw, 1 Toyota Avanza at Trip to Hongkong Disney Land ang ibibigay. Guest namin don si Dominic Ochoa.
Byahe palang papunta doon, nagkukulitan na kami ng mga officemate and co-committee ko for the said event. Nariyang nagkabukingan na ng mga sekreto. Tanungang di matapos tapos ang tawanang halos magiba ang sasakyan.
2 beses lang naman kaming pinagtulak ng sasakyan namin, Nagka-trouble kasi ang electrical nito, ang payload nya, naglo-lowbat ang battery ng sasakyan, di na tuloy makapag crank ng maayos. Hay! tulak tuloy kami.
We've set the whole preparation by September 19. Whole day ito. Prepating the stage, the motorcade path, double checking the permits, DTI, all technical, safety and security concerns, tinapos sa araw na yun.
The big day was September 20. Naging maganda naman ang panahon nung nag motorcade were a lot of sponsors participated like Jollibee, Shakeys, Coca cola and marami pang iba. Pero pag dating ng hapon, inulan ang Laoag. Sa buong akala namin, di na titigil ang ulan. (Walang silbi ang pag-aalay ng ilog....hahahaha). Nag move kami hanggang 6PM sa pag-asang titila ang ulan. Sa awa ng diyos, tumila nga at natuloy ang event.
Sinimulan ito ng isang magandang dance performance, then our 1st set of fashion show. Right after that, nag draw na for the winner ng mga prize namin for September.
Turn na after nito si Dominic Ochoa ang pumatok sa masa. Nag perform ng 3 songs then nangulit ng audience. After nya, rumampa ang last set ng fashion show namin then the finale is another dance performance.
As a whole, successful naman yung event. I went back to Manila by 11PM, solo na ako umuwi dahil may meeting ako sa Manila Head Office the next day. Hapit ako. The rest went pa sa Tuguegarao pa for our monthly genmit.
For link to the pictures, click http://picasaweb.google.co.uk/andrew.minglana/20070920LINFS
Labels: travel events and experience, work
Tuesday, June 19, 2007
It was their 1st time at Mt. Maculot
Mt. Maculot, here I come again!
A week before June 16, 2007, madaming nag backout para sa hiking schedule na to...Hay! ewan ko nalang pero I told them na itutuloy ko ito. Wala nang atrasan. Hehehe! nadala ko ata sila.
Saturday came (June 16, 2007). Finally, natuloy narin.
Manels participants,mga first timers na officemates ko: Loisa Marasigan, Tina Saniego, Eloi Lorenzo, Maryl Aquino with her sister Joy, Bill Plaza, Cynthia of Audit and his boyfriend, Kriz Cardenas, Jenny Chua and former officemates Ferdie of GS and Rucel of E100.
Ofcourse, with the veterans, SMS Alumni Group: Me, Ross Cosio, Binx Jetajobe, Sam, Babes with Randy and my friend, Jhun Addao.
We all met at the Bus station located at Buendia corner Taft Ave. Hmm, late pa nga kami. 3pm na kami nakaalis! We arrive sa Cuenca at 5:30pm kaya nag rent na kami ng jeep to transfer us sa jump off ng Mt. Maculot. We started trekking at 6:30pm. Though hirap ang mga first timer, they did gave their best para maabot ang camp site. They really excerted great effort to fulfill their dream, reaching Mt. Maculots camp, meeting their expectation of what the its beauty awaits them.
At 8:30pm, all participants reached the campsite. Some pitched their tents while some rested. We had cooked our food, fix their things and most important syempre, ang "SOCIAL", we enjoyed so much each other while drinking brandy. (Lupit talaga ni Mamatadorrr!!...Grrr!)
Most of us took their rest while the KULITIW's na di makatulog, abay nangulit na lamang...(Ito na nga siguro ang epekto ni TADOR...hehehe). Di ko lang alam kung naaliw sila sa mga awit naming:
- Hindi kita malilimutan
- My way
- Ugoy ng duyan
...at kung ano ano pang nakakaantig na awit... si Ate Loisa nga, di namin alam kung tumatawang tulog o tulog na tumatawa..ah! ewan ko ba. 3am na kami nakatulog....pagod!
Pagkagising ng umaga, pinuntahan agad namin ang ROCKIES, the forever champion sa sceneries. At di ako binigo ng pagpopromote nito sa mga Manels officemates ko. Really, na impress sila. Iba talaga ang nature. At nakisama pa ang panahon. Galing!
10:30am kami nag trek pababa at dumaan sa bahay ng kaibigan namins si Kuya Apol. Kahit wala sya don, inasikaso kami ng kanyang nanay.
Hay! na-enjoy talaga nila........................ Yun nga lang, masakit ang mga katawan nila! Hehehe!
Uyet uyet!
Wednesday, June 13, 2007
What the heck of that KEY
Kakainis talaga! Di man lang sila nagbigay ng info regarding sa pagbabago ng schedule ng badminton tournament sa FTI. Ni isa sa mga players namin, di nakapag laro then malalaman mo pang counted default pala. Pano ba naman, di man lang kami na inform ahead na binago na pala ang schedule. As usual reaction, nag PROTESTA kami. Hope na may action after.
Ang di namin makakalimutan sa araw na yon, yung pagkawala ng car key ng isang boss namin. Wah! Malas kaya ako? First time ko pa naman sumabay pauwi sa car nya, nawala pa ang susi.
Hinanap na namin sa mga lugar napuntahan nya, pinaglagyan nya ng gamit, ladies dressing room, ginalugad namin ang buong sasakyan nya, ilalim nito pati mga gamit yet wala parin.
Hmm, "BAWAL ANG PORK, ANG BEANS" May memory gap na, or na MISPLACE lang ang susi.
Sa di inaasahang pagkakataon, malapit na kaming mawalan ng pag-asa, nagpakita rin sa wakas. Sa di akalaing mangyayari, napunta sa isang plastic na may mga damit...
Hmm, kailangan na siguro ng ENERVON prime! Hehehe....Peace out!
Sakabuuan, sarap maghanap....hehehehe!
Thursday, May 17, 2007
Sarap at Hirap ng Comelec Board of Election Canvassers
Linggo, May 13, 2007, 10AM palang, nasa munisipyo na ako ng Taguig, para ma-meet ang aking chairman, at partner kong 3rd member. Kinuha na rin namin ang mga election paraphernalia. Umulat umaraw, sobrang haba ng pila, dis-organized na paraan ng distribution and nag-uunahang mga tao. Yan ang dinanas ko, preparation palang, from 10AM to 6PM. Kinailangan pa naming tumuloy sa school para ihanda ang roon namin. Finally, we finished everything for the preparation at 9:00PM.
Pag-uwi sa bahay, tumulong pa ako sa tita kong campaign manager ng buong barangay. Di biro ang trabaho nya, dominant group pa naman. Hay. Parang gusto ko na ngang mag-backout.
Lunes, May 14, 2007, 4AM ang call time ng group namin sa munisipyo ng taguig para kunin ang ballot box, kaya 3:30AM palang, nandon na ako. Ganon pala, kailangan pang may escort from PNP, hanggang sa school, kasama namin. 7:00AM kami nag start. Mahirap pala pag newbie ka. Nangangapa pa ako ng gagawin. Buti nalang, OK yung mga kasama ko. Tinuruan ako ng gagawin at very cooperative ang mga voters. We even did a system were we segregated yung logbook ng males and females for us para madaling ma-quantify sila. We closed the voting process at 3:00PM
During the counting, dun na. Todo pala talaga ang bantay ng mga Poll watchers. Good for those bets nila. Sa halagang *(&*&(*, halos makipag-patayan sila pag may technical problems na di namin nako-consider. Pero in general, peaceful naman ang nangyaring canvassing. Pag nag-explain mo naman, pakikinggan ka. There was once na they had questioned us why we did rules stray vote yung isang konsehal, and we did explain the technical side why we did not consider. Yung group manager pa ang humarap. Ika nga, kung magpapadaig ka rin sa kanila, dudurugin ka ng mga tanong nila. Unahan mo na ng tama....
May 15, 2007, 1AM na natapos ang canvassing sa precinct namin, at tuloy dinala sa munisipyo. As usual, may escort parin kaming PNP. Pero ito, mabilis namin na-turn-over ung ballot box pero ang paraphernalia, wow it took us 4 hours sa pila. Suko na ang katawan namin. Worst pila talaga ito. At madami pang walang disiplinang sumisingit sa pila. Buti ang walang away na nangyari.
7:30AM na ako nakauwi na bahay. Lupaypay. Ang maganda, feel fulfilled ka naman. Atleast, naranasan kong maging comelec member, nagawa namin maging mapayapa ang electoral process sa amin, at may money pa worth ..&*&(*(()...Hehehehe
Di ko tuloy alam kung ipapa LAMINATE ko tong perang nakuha ko...
Labels: travel events and experience, work