Di ko na naituloy ubusin ang pagkain ko. Nakaka-depress talaga.....
Dahil sa kawalan ng oras na maghanda ng makakain, niyaya ko si Mina at kapatid nitong si Eric na kumain na lamang sa isang karinderya sa Palengke malapit sa amin. Madalas na kaming kumakain dito lalo't gabing gabi na kami nakakarating sa aming lugar.
Naihanda na sa amin ang aming order, tapsilog at porksilog. Habang kumakain, naikwento ko kay Mina kung kaano ako ka lungkot. Talo kasi kami ng 3 sunod sa Badminton Game, kakalungkot talaga. Hanggang pagkain, dala ko pa.
Habang kumakain, may napansin akong pumwesto sa likod namin, hindi ko na nilingon sa pagaakalang isang customer lang na oorder din ng pagkain. Pero, sa likod ni Mina, biglang bumulalas, "Akin na to....." sabay hablot sa pinggang kinakainan ni Mina.
Hinablot ko rin ang pinggan, sa lakas ng paghablot ko, di na nya nakuhang hablutin pa ulit. Balak ko pa sanang bigwasan dahil sa pagaakala ko, ipapalo sa ulo ni Mina ang plato. Saka ko napagtantong TAONG GRASA pala iyon, ang nais lang ay makakain. Lumayo sya unti unti habang sumasambit... "Kakain...kakain.." hanggang sa lumayo.
Sa pagkakataong iyon, lalo akong nanlumo. Hindi ko alam kung magagalit ako sa may-ari ng karinderya, magagalit ako sa sarili sa ginawa ko, or sobrang awa ko rin sa sarili ko sa pagkakataong makatulong sa nangangailangan. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Pilit kong nililingon ang Taong Grasa pero di ko na matanaw. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, nagkubli ang liwanag.
Natural daw ang nararamdaman ko, wika ni Mina. Umabot sa puntong galit na galit ako tapos biglang naghina, sa kadahilanang gaya ng naranasan ko. Pinakalma na lamang nya ako.
Umasa pa akong sana'y bumalik ang Taong Grasa, sa pagkakataon sanang iyon, pakakainin ko sya pero malamang, nanaig din ang takot sa kanya na laong nakakapagpa konsensya sa akin hanggang ngayon.
Monday, May 28, 2007
Kasalanan ko sa Taong Grasa
Labels: shit, travel events and experience
Thursday, May 17, 2007
Sarap at Hirap ng Comelec Board of Election Canvassers
Linggo, May 13, 2007, 10AM palang, nasa munisipyo na ako ng Taguig, para ma-meet ang aking chairman, at partner kong 3rd member. Kinuha na rin namin ang mga election paraphernalia. Umulat umaraw, sobrang haba ng pila, dis-organized na paraan ng distribution and nag-uunahang mga tao. Yan ang dinanas ko, preparation palang, from 10AM to 6PM. Kinailangan pa naming tumuloy sa school para ihanda ang roon namin. Finally, we finished everything for the preparation at 9:00PM.
Pag-uwi sa bahay, tumulong pa ako sa tita kong campaign manager ng buong barangay. Di biro ang trabaho nya, dominant group pa naman. Hay. Parang gusto ko na ngang mag-backout.
Lunes, May 14, 2007, 4AM ang call time ng group namin sa munisipyo ng taguig para kunin ang ballot box, kaya 3:30AM palang, nandon na ako. Ganon pala, kailangan pang may escort from PNP, hanggang sa school, kasama namin. 7:00AM kami nag start. Mahirap pala pag newbie ka. Nangangapa pa ako ng gagawin. Buti nalang, OK yung mga kasama ko. Tinuruan ako ng gagawin at very cooperative ang mga voters. We even did a system were we segregated yung logbook ng males and females for us para madaling ma-quantify sila. We closed the voting process at 3:00PM
During the counting, dun na. Todo pala talaga ang bantay ng mga Poll watchers. Good for those bets nila. Sa halagang *(&*&(*, halos makipag-patayan sila pag may technical problems na di namin nako-consider. Pero in general, peaceful naman ang nangyaring canvassing. Pag nag-explain mo naman, pakikinggan ka. There was once na they had questioned us why we did rules stray vote yung isang konsehal, and we did explain the technical side why we did not consider. Yung group manager pa ang humarap. Ika nga, kung magpapadaig ka rin sa kanila, dudurugin ka ng mga tanong nila. Unahan mo na ng tama....
May 15, 2007, 1AM na natapos ang canvassing sa precinct namin, at tuloy dinala sa munisipyo. As usual, may escort parin kaming PNP. Pero ito, mabilis namin na-turn-over ung ballot box pero ang paraphernalia, wow it took us 4 hours sa pila. Suko na ang katawan namin. Worst pila talaga ito. At madami pang walang disiplinang sumisingit sa pila. Buti ang walang away na nangyari.
7:30AM na ako nakauwi na bahay. Lupaypay. Ang maganda, feel fulfilled ka naman. Atleast, naranasan kong maging comelec member, nagawa namin maging mapayapa ang electoral process sa amin, at may money pa worth ..&*&(*(()...Hehehehe
Di ko tuloy alam kung ipapa LAMINATE ko tong perang nakuha ko...
Labels: travel events and experience, work
Friday, May 11, 2007
Hanggang kelan?
Yan ang tanong sa akin ng mga magulang ni Mina. Kakahiya man, di namin ma set kung kelan talaga kami papakasal. Laging rason ko, " Busy schedule ko". Ganon din si Mina. Last year, nag set kami na December, pero di natuloy. Nag set din kami ng February ngayong taon, di parin natuloy. Pinaka huli, May ngayong taon, pero alam na naming di matutuloy.
Hay! Pero may nakapag sabi sa amin, bakit di talaga kami mag set ng fix date, pag-laanan ng oras ang preparation. Nangyayari kasi, dahil sa walang fix date, it tends na mag-adjust ng mag adjust. Pero kung meron set fix date, may konting pressure on our part para maging seryoso.
Hay! Nasabi rin ni Chippy, baka ang totoo, hindi pa talaga kami handang magpatali sa isa't isa. Oo nga naman, pang habambuhay na pagsasama na kaya yun. Hmm...pwede! Pero committed na ako kay Mina.
Ah basta, promise, pag di pa to na set sa lalong madaling panahon....ewan ko nalang.
Labels: family