Wednesday, June 13, 2007

US$180 and keep on earning...thanks Francswiss

This evening, I've checked my Account at francswiss.biz, to found out that after 4 days, I've earned US$180 already. Since I don't have an internation Mastercard ATM, I've rolled out it instead to my SIP account. Got US$ 1180 total for my Investment.

Hopefully, I could apply my BDO Mastercard ATM on Friday. Still here at Olongapo!

What the heck of that KEY

Kakainis talaga! Di man lang sila nagbigay ng info regarding sa pagbabago ng schedule ng badminton tournament sa FTI. Ni isa sa mga players namin, di nakapag laro then malalaman mo pang counted default pala. Pano ba naman, di man lang kami na inform ahead na binago na pala ang schedule. As usual reaction, nag PROTESTA kami. Hope na may action after.

Ang di namin makakalimutan sa araw na yon, yung pagkawala ng car key ng isang boss namin. Wah! Malas kaya ako? First time ko pa naman sumabay pauwi sa car nya, nawala pa ang susi.

Hinanap na namin sa mga lugar napuntahan nya, pinaglagyan nya ng gamit, ladies dressing room, ginalugad namin ang buong sasakyan nya, ilalim nito pati mga gamit yet wala parin.

Hmm, "BAWAL ANG PORK, ANG BEANS" May memory gap na, or na MISPLACE lang ang susi.

Sa di inaasahang pagkakataon, malapit na kaming mawalan ng pag-asa, nagpakita rin sa wakas. Sa di akalaing mangyayari, napunta sa isang plastic na may mga damit...

Hmm, kailangan na siguro ng ENERVON prime! Hehehe....Peace out!

Sakabuuan, sarap maghanap....hehehehe!

Monday, June 11, 2007

My first earnings at Francswiss

When I visited my account at francswiss.us, 2 days after I joined, I found out that I’ve earned US$ 90 already. Amazing isn’t it. I’ve erased all doubts in my mind telling my self, I’ve stepped up here BOLDLY.


Tomorrow, I will apply for my BDO Mastercard Account for Encashment purposes.

My first earnings at Francswiss

When I visited my account at francswiss.us, 2 days after I joined, I found out that I’ve earned US$ 90 already. Amazing isn’t it. I’ve erased all doubts in my mind telling my self, I’ve stepped up here BOLDLY.

Tomorrow, I will apply for my BDO Mastercard Account for Encashment purposes.

You may visit my friends website. They share same experience with me:

http://alexflores.blogdrive.com/
http://fiaflojo.blogdrive.com/



Monday, May 28, 2007

Kasalanan ko sa Taong Grasa

Di ko na naituloy ubusin ang pagkain ko. Nakaka-depress talaga.....

Dahil sa kawalan ng oras na maghanda ng makakain, niyaya ko si Mina at kapatid nitong si Eric na kumain na lamang sa isang karinderya sa Palengke malapit sa amin. Madalas na kaming kumakain dito lalo't gabing gabi na kami nakakarating sa aming lugar.

Naihanda na sa amin ang aming order, tapsilog at porksilog. Habang kumakain, naikwento ko kay Mina kung kaano ako ka lungkot. Talo kasi kami ng 3 sunod sa Badminton Game, kakalungkot talaga. Hanggang pagkain, dala ko pa.

Habang kumakain, may napansin akong pumwesto sa likod namin, hindi ko na nilingon sa pagaakalang isang customer lang na oorder din ng pagkain. Pero, sa likod ni Mina, biglang bumulalas, "Akin na to....." sabay hablot sa pinggang kinakainan ni Mina.

Hinablot ko rin ang pinggan, sa lakas ng paghablot ko, di na nya nakuhang hablutin pa ulit. Balak ko pa sanang bigwasan dahil sa pagaakala ko, ipapalo sa ulo ni Mina ang plato. Saka ko napagtantong TAONG GRASA pala iyon, ang nais lang ay makakain. Lumayo sya unti unti habang sumasambit... "Kakain...kakain.." hanggang sa lumayo.

Sa pagkakataong iyon, lalo akong nanlumo. Hindi ko alam kung magagalit ako sa may-ari ng karinderya, magagalit ako sa sarili sa ginawa ko, or sobrang awa ko rin sa sarili ko sa pagkakataong makatulong sa nangangailangan. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Pilit kong nililingon ang Taong Grasa pero di ko na matanaw. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, nagkubli ang liwanag.

Natural daw ang nararamdaman ko, wika ni Mina. Umabot sa puntong galit na galit ako tapos biglang naghina, sa kadahilanang gaya ng naranasan ko. Pinakalma na lamang nya ako.

Umasa pa akong sana'y bumalik ang Taong Grasa, sa pagkakataon sanang iyon, pakakainin ko sya pero malamang, nanaig din ang takot sa kanya na laong nakakapagpa konsensya sa akin hanggang ngayon.

Thursday, May 17, 2007

Sarap at Hirap ng Comelec Board of Election Canvassers

Nung Sabado, May 12, 2007 ko lang nalaman na confirmed member na ako ng BEI sa Upper Bicutan, bilang Poll Clerk. Hmm, sa wakas, mararanasan ko na ring maging member ng board of canvassers. Madami ng nag-didiscourage sa akin, baka pagsisihan ko raw. Bahala sila sa buhay nila, minsan lang sa 3 taon ang pagkakataong ito, palalagpasin ko pa.

Linggo, May 13, 2007, 10AM palang, nasa munisipyo na ako ng Taguig, para ma-meet ang aking chairman, at partner kong 3rd member. Kinuha na rin namin ang mga election paraphernalia. Umulat umaraw, sobrang haba ng pila, dis-organized na paraan ng distribution and nag-uunahang mga tao. Yan ang dinanas ko, preparation palang, from 10AM to 6PM. Kinailangan pa naming tumuloy sa school para ihanda ang roon namin. Finally, we finished everything for the preparation at 9:00PM.

Pag-uwi sa bahay, tumulong pa ako sa tita kong campaign manager ng buong barangay. Di biro ang trabaho nya, dominant group pa naman. Hay. Parang gusto ko na ngang mag-backout.

Lunes, May 14, 2007, 4AM ang call time ng group namin sa munisipyo ng taguig para kunin ang ballot box, kaya 3:30AM palang, nandon na ako. Ganon pala, kailangan pang may escort from PNP, hanggang sa school, kasama namin. 7:00AM kami nag start. Mahirap pala pag newbie ka. Nangangapa pa ako ng gagawin. Buti nalang, OK yung mga kasama ko. Tinuruan ako ng gagawin at very cooperative ang mga voters. We even did a system were we segregated yung logbook ng males and females for us para madaling ma-quantify sila. We closed the voting process at 3:00PM

During the counting, dun na. Todo pala talaga ang bantay ng mga Poll watchers. Good for those bets nila. Sa halagang *(&*&(*, halos makipag-patayan sila pag may technical problems na di namin nako-consider. Pero in general, peaceful naman ang nangyaring canvassing. Pag nag-explain mo naman, pakikinggan ka. There was once na they had questioned us why we did rules stray vote yung isang konsehal, and we did explain the technical side why we did not consider. Yung group manager pa ang humarap. Ika nga, kung magpapadaig ka rin sa kanila, dudurugin ka ng mga tanong nila. Unahan mo na ng tama....

May 15, 2007, 1AM na natapos ang canvassing sa precinct namin, at tuloy dinala sa munisipyo. As usual, may escort parin kaming PNP. Pero ito, mabilis namin na-turn-over ung ballot box pero ang paraphernalia, wow it took us 4 hours sa pila. Suko na ang katawan namin. Worst pila talaga ito. At madami pang walang disiplinang sumisingit sa pila. Buti ang walang away na nangyari.

7:30AM na ako nakauwi na bahay. Lupaypay. Ang maganda, feel fulfilled ka naman. Atleast, naranasan kong maging comelec member, nagawa namin maging mapayapa ang electoral process sa amin, at may money pa worth ..&*&(*(()...Hehehehe

Di ko tuloy alam kung ipapa LAMINATE ko tong perang nakuha ko...

Friday, May 11, 2007

Hanggang kelan?

Yan ang tanong sa akin ng mga magulang ni Mina. Kakahiya man, di namin ma set kung kelan talaga kami papakasal. Laging rason ko, " Busy schedule ko". Ganon din si Mina. Last year, nag set kami na December, pero di natuloy. Nag set din kami ng February ngayong taon, di parin natuloy. Pinaka huli, May ngayong taon, pero alam na naming di matutuloy.

Hay! Pero may nakapag sabi sa amin, bakit di talaga kami mag set ng fix date, pag-laanan ng oras ang preparation. Nangyayari kasi, dahil sa walang fix date, it tends na mag-adjust ng mag adjust. Pero kung meron set fix date, may konting pressure on our part para maging seryoso.

Hay! Nasabi rin ni Chippy, baka ang totoo, hindi pa talaga kami handang magpatali sa isa't isa. Oo nga naman, pang habambuhay na pagsasama na kaya yun. Hmm...pwede! Pero committed na ako kay Mina.

Ah basta, promise, pag di pa to na set sa lalong madaling panahon....ewan ko nalang.

Friday, March 16, 2007

Remembering my Fr. Als's 15th Death Anniversary



Oh my papa! To me it was so wonderful....

A painful song I've learned from our Alma matter, sang when a great man left his children to join his Master. Still the song echoed in my ear, a bit with tears from all those who love Fr. Al so much, the great servant of the poor.

49 days after his death, I came to SMS to study for free. With out knowing how great this man is, i usually play beside his tomb rested in front of Doty building. Till our sisters shared us his teachings, his beliefs and love of GOD, I've realized, I was on the right path.

Before August 15, 1992, the sisters let us watch the video coverage of Fr. Wake. Everyone bares the pain of his lost, even us who didn't got the chance of an outright contact with him fell deeply sad.

As the sisters foretold us, Fr. died peacefully. He really prepared for that time when it came.

And now, it was 15 years since this great man left us but made a mark for each one of us of his legacy. To practive love for each and everyone of us.

We love you Fr. Al.

Sunday, March 4, 2007

Gabi ni Ginoong Snatcher

Boss, nawalan ka ba ng cellphone? Kulay itim ba? Sony Ericsson T610 ba? "Oo", bulalas ng naalimpungatang kasama kong pasahero ng Ordinary Bus kagabi bound to Bicutan / Sucat / Alabang. Walang nagawa ang mama kundi magpasalamat at di sya sinaksak. Salamat din at di na-holdup yung buong BUS na sinakyan namin ni Mina kagabi pauwi.

Binabagtas namin ang kahabaan ng Edsa. Magkatabi pa sila sa upuan. Napansin ko pang tinabig pa nya ang kawawang biktima pero di man lang nag-react. Ang akala ko tuloy, magkasama sila. Pag-lagpas lang ng Edsa Ayala, napansin ko ng may sinesenyas yung katabi nyang mama sa bandang likod. Kinutuban na akong sindikato yung mama, at kasama nya yung katabi rin nya.

Pagsapit ng Edsa Mantrade, tumayo na yung mama, inaantabayanan ko na si Mina, sabay kapa sa cellphone at wallet ko. Napansin kong may hawak na cellphone ang mama na nakatagong bahagya sa jacket nya. Nagkatinginan pa kami sabay lakad papuntang estribo. Dun na bumaba ang mama, kasabay yung sinenyasan nya. Di parin ako mapakali kaya habang umaarangkada na ang bus, pilit kong ginising ang mama. "Boss, nawalan ka ba ng cellphone? Kinapa na ng naalimpungatang mama ang pants nya. Kapansin pansin na may hiwa rin ang pants nya. "Oo, wala na nga ang cellphone ko.". "Itim ba? T610 ba?" "Oo", ika ng mama. Saka nalang nakisimpatiya ang iba pang pasaherong kasama namin.

Mag-ingat sana tayo sa lahat ng oras. Maaaring buhay na natin ang mabibitin sa alanganin.

Higit sa lahat, nawa'y mawala na kundi may mabawasan ang mga krimeng gaya ng nasaksihan ko kagabi.

Thursday, March 1, 2007

New ASMSI Site

The long wait is over. Let us meet our new Home site!

Photobucket - Video and Image Hosting

www.asmsi.org.ph

The Bright Father

A Father is very proud for his son being the valedictorian in the primary level. After the speech of his son, the father volunteered to do the same.

The father went to the stage and uttered:

Father: "Gud ibning leydis end gentolmen. Tuday is the graduation of my son."
Listeners: Applauded the Fathers greetings.

Father: " I invite you to eat my house."
ListenersL Amazed...

Father: "I will kill 2 chicken, a boy and a girl, for today, my son is graduation."

The guest Governor can't resist anymore and stood up but before he walked away..the father uttered:

Father: "Sit down, government!"

 

blogger templates | Make Money Online