After 3 months of preparation, finally, kinasal na rin kami ni Mina. We gone through lots of challenges bago naganap to. We've finally ripped the fruit of our sacrifices. Gosh, di pala biro mag-asikaso ng kasal. Hands-on kami sa preparation. Sa documents palang namin, dapat, accurate.
I'll write more on the details. Kaka-online ko palang, kaka-excite mag kwento. Sa ngayon, back to work muna.
Isisingit ko mamaya ang mga detalye.
Ito nga pala yung link sa online pix :
http://picasaweb.google.co.uk/andrew.minglana/DrewAndMinaSWeddingNovember242007
Sunday, December 2, 2007
Me and Mina's BIG Day - November 24, 2007
Labels: family
Monday, November 12, 2007
10 Days before our BIG Day!
Nakakangarag para sa akin ang 3 linggong nakaraan. Ganito pala kung naghahanda ng event lalo na kung hands-on ka dito. Lahat ng paraan, gagawin mo to make sure na magiging maayos at maganda ang event.
November 24 will be Mina and I's Big Day! Hope sana na smooth na rin ang lahat. To be honest, I'm so excited na for that Big Day to come!
Monday, October 29, 2007
Undas 2007
Ilang araw nalang, sasapit na ang Undas o ang Pista ng mga Santo's kaluluwang namayapa na. Sa panahong ito, karamiha'y abala sa pagsasaayos ng mga pantyon ng mga mahal nila sa buhay. Ginugunita sa 1 hanggang 2 araw ang mga panahong nakapiling nila ang kanilang yumao.
Isa ako sa mga taong gumugunita sa aming yumaong kapamilya. Sa mga di nakakaalam, bago kay Ms. Mina Diaz-Minglana, naging widower na ako ni Mrs. Arlene D. Minglana, ang mommy ni Sam, na sa murang edad na 21, ay binawian ng buhay dahil sa isang masaklap at masakit na aksidente, 5 taon na ang nakakalipas.
Panginoon, nawa'y nasa piling nyo na ang aming mga mahal sa buhay. Nawa'y natatamasa na nila ang buhay sa piling nyo magpa-kailan man.
Friday, October 26, 2007
Gabi ni Mr. Snatcher II, THIS TIME, THE VICTIM IS ME!
2 HOURS AKONG TUKATULALA SA OVERPASS NG SUCAT. DI KO MATANGGAP ANG MASAKLAP NA KARANASANG NANGYARI SA AKIN. NANGHINA AKO NG MAKITA KONG LASLAS NA ANG BULSA NG MAONG PANTS AT MAPHISTO STRAP BAG KO. KANINANG MADALING ARAW LANG NANGYARI ITO. KINAPA KO AGAD KUNG NAWALA ANG MGA VALUABLE THINGS KO, AYUN, WALA NA NGA.
NAGPAHULI AKONG SANDALI NUNG NAGKAYAYAAN NANG UMUWI. NAGPAHINGA AKO ULI NG KONTI BAGO UMUWI NA RIN. ORDINARY BUS ANG NASAKYAN KO NA DI KO KADALASANG GINAGAWA. WALA NG IBANG CHOICE KUNDI YUN NALANG. PUMUWESTO AKO SA BANDANG GITNA NG BUS, SA GILID NA UPUAN AT SINIGURADO KONG SECURE ANG MGA PERSONAL AND VALUABLE BELONGINGS KO. I EVEN HUG MY BAG TIGHTLY. WALA AKONG KATABI SA UPUAN. PINAALALAHANAN KO PA ANG CONDUCTOR NG BUS NA KUNG SAKALING MAKATULOG NGA AKO, GISINGIN AKO PAG HINTO NG BUS SA BICUTAN. NAGHALO ANG PAGOD AT KONTING EPEKTO NG BEER, DAHILAN NA AKO'Y NAKA-TULOG.
"SUCAT NA, SUCAT NA, YUNG MGA TULOG, GISING NA!" DITO, NAGISING NA AKO. NUNG MAULUNIGAN KONG SUCAT NA NGA ANG LUGAR, NAGMAMADALI AKONG BUMABA. HABANG NAGLALAKAD, NAPANSIN KONG GUMAANG ANG STRAP BAG KO. KINAPA KO AGAD ANG BAG KO, AT AYUN NA NGA, MADAMING LASLAS. PATI MAONG PANTS KO, MAY LASLAS DIN TO FIND OUT NA NAKUHA ANG PHP 7,000.00 HARD EARNED MONEY KO FROM MY SIDELINE. ITO PA, BINUKLAT KO RIN AGAD ANG BAG KO, SAD TO SAY, NATANGAY DIN ANG SONY ERICSSON P990I KO. PATI ID KO NA MAY 1GB FLASH DRIVE, TANGAY DIN. LAHAT NG DATA KO, NANDUN.
PUTANG-INA TALAGA! DI KO TALAGA MATANGGAP ANG NANGYARI. NANDUN ANG MGA SCHEDULES KO, ANG MGA CLIENTS AND CONTACTS KO. DI PINATAWAD NG BUWAYANG MAGNANAKAW. SANA, MAINTINDIHAN NILANG ANG IPAPAKAIN NILA SA PAMILYA NILA AY YUNG GALING SA NAKAW. BULLSHIT! MGA BITCH SILA.
Labels: shit
Thursday, October 18, 2007
37 Days to Go!
"Drew, anong feeling mo na lalagay ka na ulit sa tahimik?" Naitanong ng friend kong si Clint na nakasabay ko kanina sa Bus. "Ano kamo? Tingnin mo ba, mamamatay na ako?" (nag-maang maangan pa or nag-tanga tangahan lang...pareho lang naman)". "Ano ka ba Drew, 2nd time mo na yan ah". Ano ako? Tumama sa lotto at pangalawang beses ko na daw. "Bugok ka talaga! Tinatanong pa ba yan!" sabi ko nalang kay Clint.
37 days, konting araw nalang to. Ang lahat ng paghahanda namin, don na matatapos sa ika-37th day.
Ang hirap din talagang maghanda. Documento, mga materyales, gamit, mga tao, lugar, at lahat na ng paghahanda, lalo na ang emosyonal na paghahanda. Ito na ang pinaka-importante.
Sabi ko nga kay Clint, "Eh ikaw, musta na kayong 2. Matagal na rin kayo ah". Di nalang umimik si Clint. Malamang kako, nabato nanaman to ng kutsara o tinidor. (hindi naman kasi nila pinaghandaan talaga ang pag-sasama nila.)
Wish ko maging maayos ang sa amin.......susulat ako sa WISH KO LANG!
Monday, October 15, 2007
My Daughter's Blog
Kakatuwang gumawa ng write-ups lalo na pag para sa anak mo. Inspired by the blog of Senior Apol to her daughter Pia, I've done the same for my daughter.
Link: http://samsosweet.blogspot.com
Ok na outlet ng mga naisin mong sabihin sa anak mo. Ipapamana ko to sa kanya.
Labels: family
Sunday, October 7, 2007
3rd Year with Mina
Hi Mina;
Kung tutuusin natin, napaka bilis ng panahon. Hindi ko akalaing talong taon na pala ang nakakalipas nung maging tayo. Di ko na rin mabilang ang mga pangyayaring nagdaan sa ating buhay. Magkasama tayo sa hirap man o ginahawa, sa pag lutas ng ating mga suliranin sa buhay, sa pag-balangkas ng mga desisyong humulma sa ating hinaharap.
Sa loob ng tatlong taon, binuo natin ang pagsasamahang hindi matitinag ng kung sino man. Ang pundasyon ng pagtitiwala sa isa't isa, ang ating malayang opinyon na sa huli'y magbubunga ng pareho nating pag-ayon.
Salamat Mina, sa loob ng tatlong taong pagmamahal na walang kapalit, tatlong taong puno ng pag-aaruga at pagmamalasakit. Salamat sa pagtanggap mo sa aking anak. Salamat sa pagtanggap mo sa aking pamilya. Hindi matutumbasan ng kung sino man ang iyong ipinamalas.
At sa nalalapit nating pormal na pag-iisang dibdib, ipinapangako ko ang aking wagas na katapatan, wagas na pagmamahal na kamatayan lamang ang makakapag-hiwalay.
PS. Saan ang date natin? :) Chef Angelo kaya muna tayo? Hmmp...
Labels: family
Saturday, October 6, 2007
Magnesium and Zinc
Zinc
Zinc seems to be gaining popularity lately. Recent and hopeful research has linked it to an ability to lessen cold symptoms when sucked as a lozenge of zinc gluconate as soon as cold symptoms appear.
This connection to the immune system points to the promising use of zinc as a protector against infections and autoimmune disorders. Expect more information on this over the next few years as zinc becomes more widely studied.
Meanwhile, zinc continues to carry out its multitude of important functions such as aiding bone structure, participating in cell replication, making sperm, synthesizing DNA and RNA, helping night vision, taste perception, wound healing and fetal development, just to name a few.
The first sign of zinc deficiency is the loss of taste and smell. More severe deficiencies can lead to stunted growth, small sex glands in boys, impotence, and delayed wound healing. Severe deficiencies are uncommon in the
Recommended intakes of zinc are:
0 - 6 months | 3mg. |
6 months - 1 year | 5 mg. |
1 - 10 | 10 mg. |
11 + | 15 mg. |
pregnant | 15 - 20 mg. |
The best sources of zinc: Breastfed babies have higher levels of zinc in their blood, even though human milk and cow's milk contain equal amounts. For some unknown reason, the zinc in breast milk, like iron, is better absorbed. The exception to this is the baby of a nursing mom who is deficient in zinc.
Vegetarians need to take care to get enough zinc, not only because they eat foods low in zinc, but some foods they eat can ruin zinc's bioavailability. The biggest spoilers are fiber and phytates.
Foods Rich in Zinc
raw oysters | three ounces | 63 mg. |
whole grain cereals | one ounce | 4 mg |
wheat germ | one ounce | 5 mg. |
squash and pumpkin seeds | 1 ounce | 3 mg. |
peanut butter | 2 tbsp | 1 mg |
pork | 3 ounces, lean | 4 mg. |
dark meat turkey | 3.5 ounces | 5 mg. |
Other good sources are dried beans and lentils, tahini, plain yogurt, pot roast, eggs, and whole wheat bread.
This lunch provides 3 mg. of zinc:
- 1 cup of Veggie Lentil soup*
- 1/2 of a peanut butter sandwich on whole wheat bread
- 1 cup of milk
* Recipe for Veggie Lentil Soup:
VEGGIE LENTIL SOUP
- 1 pound lentils
- about five cups of vegetable stock
- 3 cloves of chopped garlic
- 1 cup each chopped onion, carrot, celery, red pepper, green beans,
- and spinach
- 1/3 cup tamari
- 1 tsp. ground oregano
- 1 tsp. thyme
- salt and pepper to taste.
In your favorite soup pot, cook lentils in just enough water to cover. When they are soft (usually in about an hour or less) add everything else and simmer until the vegetables are cooked. You may need to add more stock if it cooks down too much. Makes about 8 servings.
Magnesium
Magnesium is essential for protein synthesis and for the release of energy from energy containing nutrients. In other words, to make use of all those macronutrients (carbohydrates, proteins, and fats) you need to have it. In addition, magnesium helps relax muscles after contraction, conducts nerve impulses, and prevents tooth decay by helping to hold calcium in tooth enamel.
More and more evidence is pointing to magnesium as a "problem nutrient", one whose recommended intake is seldom met. The consequences of those deficiencies and its link to various health problems still needs clarification and further study. The more severe deficiencies of magnesium are seldom seen except in people suffering from alcoholism, kidney disease or hyperthyroidism.
Dangerous levels of magnesium are hard to reach because of its low toxicity. About 6,000mg is considered the minimum toxic dose. That compares to a daily requirement of 300 mg. for adults, 200 for children and 70 for infants.
The best sources of magnesium are nuts, cereal grains, legumes, cocoa, and dark green vegetables. There's no need to put hot cocoa in the category of junk food'. One cup of it will provide your child with 56 mg. of magnesium, plus lots of good protein from the milk, vitamin D, and energy rich carbohydrates.
Labels: knowledge power
Friday, October 5, 2007
My Dog Mica and George Champ
Pambihira! Por pabor Marimar! Hi Fifi! Mga katagang ating nariringgan sa programang Marimar na binabanggit ng paborito nitong asong si Polgoso. Hay! Ang totoo, mahilig talaga akong mag-alaga ng aso pero sa tanang buhay ko, ngayon palang ako magtatagumpay sa kaasuhan (di pwedeng katauhan eh...) ng mga alaga kong sina Mica at George.
Nagkaroon pa ako ngayon ng isa pang tuta, si George Champ. Mix breed ng rotweiller. Mga 5 weeks palang pero kitang kitang mas lamang ang mix nito sa rotweiller. Pati characteristic ni George, nakuha sa lahi. Mapaglaro, makulit, mahilig din mangagat pero pag hinapo, walang pakialam, matutulog at matutulog talaga. Hahaha...Nakakatuwa.
Si Mica, ang nailhathala ko rito mga 1 buwan mahigit nang nakakalipas ay balik sigla na. Buti nalang, may malapit na beterinaryo sa amin at agad nalunasan ang sakit. Gaya ng isang bata, kailangan din pala ng mga aso ng karampatang bakuna para malunasan ang mga karamdamang kanilang makukuha mula sa pagiging tuta hanggang pagiging ganap na aso. Naalala ko tuloy na nung nagkasakit si Mica, kailangan pang i-dextrose pang aso...hahaha, natuwa rin ako. Sa ngayon, masiglang masigla na at nanghahabol pa. Pinabakunahan ko na ng anti rabbies nung isang gabi.
See more of their pix in this Link:
My Doggie Mica, My Doggie George
Labels: d'anothers
Thursday, October 4, 2007
Why people are leaving?
Three of my closest officemate and friend sa Manels had filed their resignation this 3rd quarter of the year alone. Nakakalungkot pero life has to go on. No one should stop them from leaving since I believe, they know whats best for them selves. Yun nga lang, for sure I will think why nagiging trend itong resignation sa amin. I kept asking, "How about me? Will I follow them?"
To be honest, I'm also thinking, of finding a greener pasture for me. My question are, is this the right time?, am I satisfied with the company am working right now?, should I follow that resigning trend right now? How about my future? Nahhhhh! Dami na tuloy akong naiisip.
Well, di naman aalis ang isang empleyado if happy sya sa employer nya. Kasi, pwedeng, sawa na sya sa work, or he/she doesn't see improvement in his/her career, salary and benefit.
Siguro, I have to evaluate my self din...
To this friends who will be leaving us, good luck guys! I know your doing what is right for you and for family. Magkikita-kita parin naman tayo eh! Bon voyage!
Joanne Villania - MTDS HR Supervisor
Tina Saniego - System Support Head
Paul Reyes - Construction Supervisor
Wednesday, September 26, 2007
Tardiness
Always late ako the past 2 months. Lagi nalang 7am ako nagigising. Wala nang epekto ang alarm clock sa akin. Nakakaasar pero I need to adjust. Sarap kasing matulog pero anong magagawa ko? Ako'y isang empleyadong kailangang pumasok sa oras na itinakda ng opisina...hay!
Nakikita kong dahilan bakit ako late magising.
1. Late na rin matulog (Inaabangan ko kasi lagi ang Jumong eh...hehehe)
2. Late umuwi galing sa work (Madalas, need kong mag extend kasi dun lang ako nakaka trabaho ng husay, pag konti ang nangiistorbo, hay IT nga)
3. Stress sa whole day of work.
4. Ayaw talaga namin matulog ng maaga dahil.... hahaha!
Ah basta, dapat, maayos ko na ang sleeping and waking habit ko. Hay!
Labels: shit
Saturday, September 22, 2007
The Successful event at Laoag
Last September 18, nag travel ako papuntang Laoag, Ilocos Norte. I'm one of the committee ng company namin for our company promotion na Dare to Win, Reach for your Dreams 3, kung saan, ito ang 2nd monthly draw, for Laoag. Sa Grand Draw, 1 Toyota Avanza at Trip to Hongkong Disney Land ang ibibigay. Guest namin don si Dominic Ochoa.
Byahe palang papunta doon, nagkukulitan na kami ng mga officemate and co-committee ko for the said event. Nariyang nagkabukingan na ng mga sekreto. Tanungang di matapos tapos ang tawanang halos magiba ang sasakyan.
2 beses lang naman kaming pinagtulak ng sasakyan namin, Nagka-trouble kasi ang electrical nito, ang payload nya, naglo-lowbat ang battery ng sasakyan, di na tuloy makapag crank ng maayos. Hay! tulak tuloy kami.
We've set the whole preparation by September 19. Whole day ito. Prepating the stage, the motorcade path, double checking the permits, DTI, all technical, safety and security concerns, tinapos sa araw na yun.
The big day was September 20. Naging maganda naman ang panahon nung nag motorcade were a lot of sponsors participated like Jollibee, Shakeys, Coca cola and marami pang iba. Pero pag dating ng hapon, inulan ang Laoag. Sa buong akala namin, di na titigil ang ulan. (Walang silbi ang pag-aalay ng ilog....hahahaha). Nag move kami hanggang 6PM sa pag-asang titila ang ulan. Sa awa ng diyos, tumila nga at natuloy ang event.
Sinimulan ito ng isang magandang dance performance, then our 1st set of fashion show. Right after that, nag draw na for the winner ng mga prize namin for September.
Turn na after nito si Dominic Ochoa ang pumatok sa masa. Nag perform ng 3 songs then nangulit ng audience. After nya, rumampa ang last set ng fashion show namin then the finale is another dance performance.
As a whole, successful naman yung event. I went back to Manila by 11PM, solo na ako umuwi dahil may meeting ako sa Manila Head Office the next day. Hapit ako. The rest went pa sa Tuguegarao pa for our monthly genmit.
For link to the pictures, click http://picasaweb.google.co.uk/andrew.minglana/20070920LINFS
Labels: travel events and experience, work
Saturday, September 15, 2007
1 Document to go
Sa wakas, nakuha ko na rin ang Confirmation Document ko last Thursday, September 13, 2007 sa Nuestra SeƱora de Candelaria, Silang, Cavite. Thanks kay Ate Jho Corro, nai-coordinate na na agad sa Parish yung information kaya madali ko lang nakuha.
Hay! 1 more nail nalang sa coffin to go. Banns nalang sa Parish namin.
Tinininininggggggggggg.....Tinininingggggggggggg... sound of the glasses.
Labels: family, travel events and experience
Thursday, September 13, 2007
Wednesday, September 12, 2007
Conquered Mt. Pulag
Natupad din ang matagal kong pinapangarap, ang maakyat ang Mt. Pulag. Highest peek of Luzon rising 2,922 meters above sea level. Wah! Here also registered ang coldest part of the Philippines. It records as low at negative degree celcius.
Mt. Pulag is considered the 2nd highest mountain in the Philippines, next to Mt. Apo of Mindanao with only a few meters difference. It is considered as one of the most beautiful National Parks in the Cordillera Area. Mt. Pulag is typically different from the rainforest mountains in the Philippines because of its open area (no trees mountain). It also has its distinct characteristics of changing color on different occasions and season. During the dry season, Mt. Pulag is brown similar to the chocolate Hills of Bohol. During the Rainy Monsoon season, it will vary from light green to rich dark green rolling plains, almost similar to a well maintained golf course. Local People believed that is was, and is a play ground of the gods.
Nahahati ng 3 probinsya ang Mt. Pulag namely Ifugao, Nueva Vizcaya and Benguet.
We scheduled the climb last Septeber 1, 2007. Following the itinerary, we arrive 5:30AM at Baguio via Victory Liner. In the city, we took our breakfast and prepared all our things for the trek. We've ride a jeep going to Bocod, Benguet. We've seen the fascinating Ambuklao Dam. Grabe!
Before tumuloy ng akyat, nag seminar muna kami sa DENR, Ambangeg. Dun palang ulan at lamig na ang naghahalo. We've transfered to another jeep. This time, 4x4 na to endure rough terrain going to Ranger Station.
Finally, after roller coster ride, murmuring of prayers and instense nervousness, we finally arrived at Ranger station. Mike briefed us of what we expect on the Camp and the summit, the trail and the weather. We've started trekking at 2PM after our lunch.
Mahabang lakad at akyat. Ofcourse, nakakalibang kasi malamig at maganda ang tanawin. We've passed Camp 1 then pitch our tents at Camp 2.
Dito na. Kasabay ng lamig at ulan while putting up our tents, inabot na ko ng mala-hypothermiang feeling. Sobra, chill-out talaga, to the extent na namanhid na mga daliri ko sa paa at kamay. By night, we decided na sa Kubo nalang kami magpalipas ng gabi. Gin and Matador helped us fight the antagonizing freeze. Below 10 degrees celcius na raw yun. Wah! Grabe. Sa huli, kami nalang nina Arian and Rhanz ang naiwang gising, sa balitaktakang computer warranty ang dahilan...hay, hanggang sa taas, trabaho parin...Hehehehe.
After a chilling night, we woke up at 6Am, we continued the trek to the summit. Ang sabi, if you've taken pictures without the endemic dwarf bamboos (Yushania niitakayamensis) and Benguet Pines (Pinus insularis), di maniniwalang nag Mt. Pulag ka so we made sure, may souvenier pics kami with that. Sayang, wala nga lang kaming na-encounter na Cloud Rat.
The summit. Thrilling and breath taking talaga. Kahit madalang magpakita araw, overwhelmed parin kami. Finally, we've landed sa highest poing of Luzon. After several picture shots, we descent back to Camp 2. There, we took up our breakfast. By 10am, we've started to descent back to Ranger station. This time, pabilisan na ang balik.
May mga mabilis nakarating, may mga relax lang lumakad, at may mga pinahaba ang lakad...hahahahah!
We've took our lunch sa Ranger station. By the way, all the foods served were prapared by Mikes group, with Marky (Chippy's apple of the eyes) as the chief cook. Swabe ang food. Teriaky, Nilagang Baboy, sushi rolls, bacon and egg with soup (Don't know the number...hahahahah), asado and the best....Buttered Veggies.
Sabi nga, babalik ka parin sa pinanggalingan mo. So we headed back to Baguio, enduring same rough agonizing terrain to Ambangeg.
We've also sited the MFPI and ASMSI project, "Bring books to the Boondocks" were the group in cooperation with the Asian Foundation distributed books for the indigenous brothers and sisters of the Cordilleras.
After arriving at Baguio City, some of us decided to head back then to Manila, some took time to experience night life at Baguio were we enjoy the BEST BAR at Nevada Square... hahahah, thanks Ethan. and some, enjoyed the city till next day.
For link to the pictures, click http://picasaweb.google.co.uk/andrew.minglana/Pulag
Wednesday, June 27, 2007
Patay na si Nico, buhay pa si Mica
Parang napagbuhusan ako ng luha mula sa langit kagabi. Sumabay pang may sakit ako. Ilang araw palang, maliksi pa siya, pagkatapos..........
Iniwan na nya ako! Wahhhhhhh! Nico! bakit?
Sa kabila ng nangyari kay Nico, di iniwan ng kapatid nitong si Nica ang labi ni Nico hanggang datnan ng ama ko. Nilalambing parin nito kahit wala na! Di rin agad inalis ng ama ko ang labi ni Nico, upang hintayin ako, at hayaan ko munang bigyang pugay ang namayapa!
Lumong lumo ako ng makita kong nag aking si Nico ay wala na! Sayang!
Pinurga ko sila kagabi, malaki na masyado ang tyan ni Nico at nahihirapan ng kumilos habang napakaliksi ni Nica. Sa di ko inaasahang pagkakataon, di na pala aabot ng kinabukasan ang mahal kong si Nico...
Oh Nico, oh! cute na TUTA ko! Wah! bakit mo agad kami iniwan? Bakit ayaw mo nang mag gatas at mag dog food, sa halip, kanin ang sabaw lang! Kakahinayang, Cute pa na mana ang TUTA kong ito.
Di bale, buhay pa naman ang napaka sigla ng TUTA kong isa, si Nica, na kapatid ni Nico na bigay pareho ni Philip Jalea. Hay! alagang alaga ko pa naman ang mga ito!
Ni si Mina, o si Sam, ayaw ng tingnan ang labi ni Nico! Manghihina lang daw sila!
Labels: d'anothers
Tuesday, June 19, 2007
It was their 1st time at Mt. Maculot
Mt. Maculot, here I come again!
A week before June 16, 2007, madaming nag backout para sa hiking schedule na to...Hay! ewan ko nalang pero I told them na itutuloy ko ito. Wala nang atrasan. Hehehe! nadala ko ata sila.
Saturday came (June 16, 2007). Finally, natuloy narin.
Manels participants,mga first timers na officemates ko: Loisa Marasigan, Tina Saniego, Eloi Lorenzo, Maryl Aquino with her sister Joy, Bill Plaza, Cynthia of Audit and his boyfriend, Kriz Cardenas, Jenny Chua and former officemates Ferdie of GS and Rucel of E100.
Ofcourse, with the veterans, SMS Alumni Group: Me, Ross Cosio, Binx Jetajobe, Sam, Babes with Randy and my friend, Jhun Addao.
We all met at the Bus station located at Buendia corner Taft Ave. Hmm, late pa nga kami. 3pm na kami nakaalis! We arrive sa Cuenca at 5:30pm kaya nag rent na kami ng jeep to transfer us sa jump off ng Mt. Maculot. We started trekking at 6:30pm. Though hirap ang mga first timer, they did gave their best para maabot ang camp site. They really excerted great effort to fulfill their dream, reaching Mt. Maculots camp, meeting their expectation of what the its beauty awaits them.
At 8:30pm, all participants reached the campsite. Some pitched their tents while some rested. We had cooked our food, fix their things and most important syempre, ang "SOCIAL", we enjoyed so much each other while drinking brandy. (Lupit talaga ni Mamatadorrr!!...Grrr!)
Most of us took their rest while the KULITIW's na di makatulog, abay nangulit na lamang...(Ito na nga siguro ang epekto ni TADOR...hehehe). Di ko lang alam kung naaliw sila sa mga awit naming:
- Hindi kita malilimutan
- My way
- Ugoy ng duyan
...at kung ano ano pang nakakaantig na awit... si Ate Loisa nga, di namin alam kung tumatawang tulog o tulog na tumatawa..ah! ewan ko ba. 3am na kami nakatulog....pagod!
Pagkagising ng umaga, pinuntahan agad namin ang ROCKIES, the forever champion sa sceneries. At di ako binigo ng pagpopromote nito sa mga Manels officemates ko. Really, na impress sila. Iba talaga ang nature. At nakisama pa ang panahon. Galing!
10:30am kami nag trek pababa at dumaan sa bahay ng kaibigan namins si Kuya Apol. Kahit wala sya don, inasikaso kami ng kanyang nanay.
Hay! na-enjoy talaga nila........................ Yun nga lang, masakit ang mga katawan nila! Hehehe!
Uyet uyet!
Sunday, June 17, 2007
My 1ST FSDI Encashment
Eager to reap the fruit of my waiting, I decided to to ENCASH my earned FS Daily Interest to my existing Equitable PCI ATM account affiliated to VISA Electron last Thursday, June 14, 2007. I wired transfered US$45 only then rolled over the rest to my existing SIP account (My TOTAL investment) for my FSDI to further grow. On June 16, 2007, Saturday, I've checked online my EPCI account at www.fastnet.com.ph. I've received my first FS DAILY INTEREST right on my ATM account. A No-book Cash Deposit worth Php 1932. Equivalent to US$45 less US$3. Not bad.
So happy to know that FRANCSWISS.BIZ really works. I did another wire transfer that day worth US$53. I'm excited to check it again this coming Tuesday, June 19, 2007 and planning to transfer another my accumulated FSDI on Friday, June 22, 2007.
Labels: business
My FSDI Encashment
Eager to reap the fruit of my waiting, I decided to to ENCASH my earned FS Daily Interest to my existing Equitable PCI ATM account last Thursday, June 14, 2007. I wired transfered US$45 only then rolled over the rest to my existing SIP account (My TOTAL investment) for my FSDI to further grow. On June 16, 2007, Saturday, I've checked online my EPCI account at www.fastnet.com.ph, to found out that I've got
Labels: business
Wednesday, June 13, 2007
US$180 and keep on earning...thanks Francswiss
This evening, I've checked my Account at francswiss.biz, to found out that after 4 days, I've earned US$180 already. Since I don't have an internation Mastercard ATM, I've rolled out it instead to my SIP account. Got US$ 1180 total for my Investment.
Hopefully, I could apply my BDO Mastercard ATM on Friday. Still here at Olongapo!
Labels: business
What the heck of that KEY
Kakainis talaga! Di man lang sila nagbigay ng info regarding sa pagbabago ng schedule ng badminton tournament sa FTI. Ni isa sa mga players namin, di nakapag laro then malalaman mo pang counted default pala. Pano ba naman, di man lang kami na inform ahead na binago na pala ang schedule. As usual reaction, nag PROTESTA kami. Hope na may action after.
Ang di namin makakalimutan sa araw na yon, yung pagkawala ng car key ng isang boss namin. Wah! Malas kaya ako? First time ko pa naman sumabay pauwi sa car nya, nawala pa ang susi.
Hinanap na namin sa mga lugar napuntahan nya, pinaglagyan nya ng gamit, ladies dressing room, ginalugad namin ang buong sasakyan nya, ilalim nito pati mga gamit yet wala parin.
Hmm, "BAWAL ANG PORK, ANG BEANS" May memory gap na, or na MISPLACE lang ang susi.
Sa di inaasahang pagkakataon, malapit na kaming mawalan ng pag-asa, nagpakita rin sa wakas. Sa di akalaing mangyayari, napunta sa isang plastic na may mga damit...
Hmm, kailangan na siguro ng ENERVON prime! Hehehe....Peace out!
Sakabuuan, sarap maghanap....hehehehe!
Monday, June 11, 2007
My first earnings at Francswiss
When I visited my account at francswiss.us, 2 days after I joined, I found out that I’ve earned US$ 90 already. Amazing isn’t it. I’ve erased all doubts in my mind telling my self, I’ve stepped up here BOLDLY.
Tomorrow, I will apply for my BDO Mastercard Account for Encashment purposes.
Labels: business
My first earnings at Francswiss
When I visited my account at francswiss.us, 2 days after I joined, I found out that I’ve earned US$ 90 already. Amazing isn’t it. I’ve erased all doubts in my mind telling my self, I’ve stepped up here BOLDLY.
Tomorrow, I will apply for my BDO Mastercard Account for Encashment purposes.
You may visit my friends website. They share same experience with me:http://alexflores.blogdrive.com/
http://fiaflojo.blogdrive.com/
Labels: business
Monday, May 28, 2007
Kasalanan ko sa Taong Grasa
Di ko na naituloy ubusin ang pagkain ko. Nakaka-depress talaga.....
Dahil sa kawalan ng oras na maghanda ng makakain, niyaya ko si Mina at kapatid nitong si Eric na kumain na lamang sa isang karinderya sa Palengke malapit sa amin. Madalas na kaming kumakain dito lalo't gabing gabi na kami nakakarating sa aming lugar.
Naihanda na sa amin ang aming order, tapsilog at porksilog. Habang kumakain, naikwento ko kay Mina kung kaano ako ka lungkot. Talo kasi kami ng 3 sunod sa Badminton Game, kakalungkot talaga. Hanggang pagkain, dala ko pa.
Habang kumakain, may napansin akong pumwesto sa likod namin, hindi ko na nilingon sa pagaakalang isang customer lang na oorder din ng pagkain. Pero, sa likod ni Mina, biglang bumulalas, "Akin na to....." sabay hablot sa pinggang kinakainan ni Mina.
Hinablot ko rin ang pinggan, sa lakas ng paghablot ko, di na nya nakuhang hablutin pa ulit. Balak ko pa sanang bigwasan dahil sa pagaakala ko, ipapalo sa ulo ni Mina ang plato. Saka ko napagtantong TAONG GRASA pala iyon, ang nais lang ay makakain. Lumayo sya unti unti habang sumasambit... "Kakain...kakain.." hanggang sa lumayo.
Sa pagkakataong iyon, lalo akong nanlumo. Hindi ko alam kung magagalit ako sa may-ari ng karinderya, magagalit ako sa sarili sa ginawa ko, or sobrang awa ko rin sa sarili ko sa pagkakataong makatulong sa nangangailangan. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Pilit kong nililingon ang Taong Grasa pero di ko na matanaw. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, nagkubli ang liwanag.
Natural daw ang nararamdaman ko, wika ni Mina. Umabot sa puntong galit na galit ako tapos biglang naghina, sa kadahilanang gaya ng naranasan ko. Pinakalma na lamang nya ako.
Umasa pa akong sana'y bumalik ang Taong Grasa, sa pagkakataon sanang iyon, pakakainin ko sya pero malamang, nanaig din ang takot sa kanya na laong nakakapagpa konsensya sa akin hanggang ngayon.
Labels: shit, travel events and experience
Thursday, May 17, 2007
Sarap at Hirap ng Comelec Board of Election Canvassers
Linggo, May 13, 2007, 10AM palang, nasa munisipyo na ako ng Taguig, para ma-meet ang aking chairman, at partner kong 3rd member. Kinuha na rin namin ang mga election paraphernalia. Umulat umaraw, sobrang haba ng pila, dis-organized na paraan ng distribution and nag-uunahang mga tao. Yan ang dinanas ko, preparation palang, from 10AM to 6PM. Kinailangan pa naming tumuloy sa school para ihanda ang roon namin. Finally, we finished everything for the preparation at 9:00PM.
Pag-uwi sa bahay, tumulong pa ako sa tita kong campaign manager ng buong barangay. Di biro ang trabaho nya, dominant group pa naman. Hay. Parang gusto ko na ngang mag-backout.
Lunes, May 14, 2007, 4AM ang call time ng group namin sa munisipyo ng taguig para kunin ang ballot box, kaya 3:30AM palang, nandon na ako. Ganon pala, kailangan pang may escort from PNP, hanggang sa school, kasama namin. 7:00AM kami nag start. Mahirap pala pag newbie ka. Nangangapa pa ako ng gagawin. Buti nalang, OK yung mga kasama ko. Tinuruan ako ng gagawin at very cooperative ang mga voters. We even did a system were we segregated yung logbook ng males and females for us para madaling ma-quantify sila. We closed the voting process at 3:00PM
During the counting, dun na. Todo pala talaga ang bantay ng mga Poll watchers. Good for those bets nila. Sa halagang *(&*&(*, halos makipag-patayan sila pag may technical problems na di namin nako-consider. Pero in general, peaceful naman ang nangyaring canvassing. Pag nag-explain mo naman, pakikinggan ka. There was once na they had questioned us why we did rules stray vote yung isang konsehal, and we did explain the technical side why we did not consider. Yung group manager pa ang humarap. Ika nga, kung magpapadaig ka rin sa kanila, dudurugin ka ng mga tanong nila. Unahan mo na ng tama....
May 15, 2007, 1AM na natapos ang canvassing sa precinct namin, at tuloy dinala sa munisipyo. As usual, may escort parin kaming PNP. Pero ito, mabilis namin na-turn-over ung ballot box pero ang paraphernalia, wow it took us 4 hours sa pila. Suko na ang katawan namin. Worst pila talaga ito. At madami pang walang disiplinang sumisingit sa pila. Buti ang walang away na nangyari.
7:30AM na ako nakauwi na bahay. Lupaypay. Ang maganda, feel fulfilled ka naman. Atleast, naranasan kong maging comelec member, nagawa namin maging mapayapa ang electoral process sa amin, at may money pa worth ..&*&(*(()...Hehehehe
Di ko tuloy alam kung ipapa LAMINATE ko tong perang nakuha ko...
Labels: travel events and experience, work
Friday, May 11, 2007
Hanggang kelan?
Yan ang tanong sa akin ng mga magulang ni Mina. Kakahiya man, di namin ma set kung kelan talaga kami papakasal. Laging rason ko, " Busy schedule ko". Ganon din si Mina. Last year, nag set kami na December, pero di natuloy. Nag set din kami ng February ngayong taon, di parin natuloy. Pinaka huli, May ngayong taon, pero alam na naming di matutuloy.
Hay! Pero may nakapag sabi sa amin, bakit di talaga kami mag set ng fix date, pag-laanan ng oras ang preparation. Nangyayari kasi, dahil sa walang fix date, it tends na mag-adjust ng mag adjust. Pero kung meron set fix date, may konting pressure on our part para maging seryoso.
Hay! Nasabi rin ni Chippy, baka ang totoo, hindi pa talaga kami handang magpatali sa isa't isa. Oo nga naman, pang habambuhay na pagsasama na kaya yun. Hmm...pwede! Pero committed na ako kay Mina.
Ah basta, promise, pag di pa to na set sa lalong madaling panahon....ewan ko nalang.
Labels: family
Friday, March 16, 2007
Remembering my Fr. Als's 15th Death Anniversary
Oh my papa! To me it was so wonderful....
A painful song I've learned from our Alma matter, sang when a great man left his children to join his Master. Still the song echoed in my ear, a bit with tears from all those who love Fr. Al so much, the great servant of the poor.
49 days after his death, I came to SMS to study for free. With out knowing how great this man is, i usually play beside his tomb rested in front of Doty building. Till our sisters shared us his teachings, his beliefs and love of GOD, I've realized, I was on the right path.
Before August 15, 1992, the sisters let us watch the video coverage of Fr. Wake. Everyone bares the pain of his lost, even us who didn't got the chance of an outright contact with him fell deeply sad.
As the sisters foretold us, Fr. died peacefully. He really prepared for that time when it came.
And now, it was 15 years since this great man left us but made a mark for each one of us of his legacy. To practive love for each and everyone of us.
We love you Fr. Al.
Sunday, March 4, 2007
Gabi ni Ginoong Snatcher
Boss, nawalan ka ba ng cellphone? Kulay itim ba? Sony Ericsson T610 ba? "Oo", bulalas ng naalimpungatang kasama kong pasahero ng Ordinary Bus kagabi bound to Bicutan / Sucat / Alabang. Walang nagawa ang mama kundi magpasalamat at di sya sinaksak. Salamat din at di na-holdup yung buong BUS na sinakyan namin ni Mina kagabi pauwi.
Binabagtas namin ang kahabaan ng Edsa. Magkatabi pa sila sa upuan. Napansin ko pang tinabig pa nya ang kawawang biktima pero di man lang nag-react. Ang akala ko tuloy, magkasama sila. Pag-lagpas lang ng Edsa Ayala, napansin ko ng may sinesenyas yung katabi nyang mama sa bandang likod. Kinutuban na akong sindikato yung mama, at kasama nya yung katabi rin nya.
Pagsapit ng Edsa Mantrade, tumayo na yung mama, inaantabayanan ko na si Mina, sabay kapa sa cellphone at wallet ko. Napansin kong may hawak na cellphone ang mama na nakatagong bahagya sa jacket nya. Nagkatinginan pa kami sabay lakad papuntang estribo. Dun na bumaba ang mama, kasabay yung sinenyasan nya. Di parin ako mapakali kaya habang umaarangkada na ang bus, pilit kong ginising ang mama. "Boss, nawalan ka ba ng cellphone? Kinapa na ng naalimpungatang mama ang pants nya. Kapansin pansin na may hiwa rin ang pants nya. "Oo, wala na nga ang cellphone ko.". "Itim ba? T610 ba?" "Oo", ika ng mama. Saka nalang nakisimpatiya ang iba pang pasaherong kasama namin.
Mag-ingat sana tayo sa lahat ng oras. Maaaring buhay na natin ang mabibitin sa alanganin.
Higit sa lahat, nawa'y mawala na kundi may mabawasan ang mga krimeng gaya ng nasaksihan ko kagabi.
Labels: shit, travel events and experience
Thursday, March 1, 2007
The Bright Father
A Father is very proud for his son being the valedictorian in the primary level. After the speech of his son, the father volunteered to do the same.
The father went to the stage and uttered:
Father: "Gud ibning leydis end gentolmen. Tuday is the graduation of my son."
Listeners: Applauded the Fathers greetings.
Father: " I invite you to eat my house."
ListenersL Amazed...
Father: "I will kill 2 chicken, a boy and a girl, for today, my son is graduation."
The guest Governor can't resist anymore and stood up but before he walked away..the father uttered:
Father: "Sit down, government!"
Labels: friends
Wednesday, February 28, 2007
Tips for Raising Children
10 Tips for Raising Children of Character
It is one of those essential facts of life that raising good children--children of character--demands time and attention. While having children may be “doing what comes naturally,” being a good parent is much more complicated. Here are ten tips to help your children build sturdy characters:
1. Put parenting first. This is hard to do in a world with so many competing demands. Good parents consciously plan and devote time to parenting. They make developing their children’s character their top priority.
2. Review how you spend the hours and days of your week. Think about the amount of time your children spend with you. Plan how you can weave your children into your social life and knit yourself into their lives.
3. Be a good example. Face it: human beings learn primarily through modeling. In fact, you can’t avoid being an example to your children, whether good or bad. Being a good example, then, is probably your most important job.
4. Develop an ear and an eye for what your children are absorbing. Children are like sponges. Much of what they take in has to do with moral values and character. Books, songs, TV, the Internet, and films are continually delivering messages—moral and immoral—to our children. As parents we must control the flow of ideas and images that are influencing our children.
5. Use the language of character. Children cannot develop a moral compass unless people around them use the clear, sharp language of right and wrong.
6. Punish with a loving heart. Today, punishment has a bad reputation. The results are guilt-ridden parents and self-indulgent, out-of-control children. Children need limits. They will ignore these limits on occasion. Reasonable punishment is one of the ways human beings have always learned. Children must understand what punishment is for and know that its source is parental love.
7. Learn to listen to your children. It is easy for us to tune out the talk of our children. One of the greatest things we can do for them is to take them seriously and set aside time to listen.
8. Get deeply involved in your child’s school life. School is the main event in the lives of our children. Their experience there is a mixed bag of triumphs and disappointments. How they deal with them will influence the course of their lives. Helping our children become good students is another name for helping them acquire strong character.
9. Make a big deal out of the family meal. One of the most dangerous trends in America is the dying of the family meal. The dinner table is not only a place of sustenance and family business but also a place for the teaching and passing on of our values. Manners and rules are subtly absorbed over the table. Family mealtime should communicate and sustain ideals that children will draw on throughout their lives.
10. Do not reduce character education to words alone. We gain virtue through practice. Parents should help children by promoting moral action through self-discipline, good work habits, kind and considerate behavior to others, and community service. The bottom line in character development is behavior--their behavior. As parents, we want our children to be the architects of their own character crafting, while we accept the responsibility to be architects of the environment—physical and moral. We need to create an environment in which our children can develop habits of honesty, generosity, and a sense of justice. For most of us, the greatest opportunity we personally have to deepen our own character is through the daily blood, sweat and tears of struggling to be good parents.
Labels: knowledge power
A Prayer
O Thou, who art the perfection
of love, harmony and beauty,
the Lord of heaven and earth,
open our hearts,
that we may hear Thy voice,
which constantly cometh from within,
Disclose to us Thy divine light,
which is hidden in our souls,
that we may know and understand life better.
Most merciful and compassionate God,
give us Thy great goodness;
teach us Thy loving forgiveness.
Raise us above the distinctions and differences,
which divide us.
Send us the Peace
of Thy divine spirit,
and unite us all
in Thy perfect being.
Amen.
Labels: knowledge power
KHATUM - prayer
O Thou, who art the perfection
of love, harmony and beauty,
the Lord of heaven and earth,
open our hearts,
that we may hear Thy voice,
which constantly cometh from within,
Disclose to us Thy divine light,
which is hidden in our souls,
that we may know and understand life better.
Most merciful and compassionate God,
give us Thy great goodness;
teach us Thy loving forgiveness.
Raise us above the distinctions and differences,
which divide us.
Send us the Peace
of Thy divine spirit,
and unite us all
in Thy perfect being.
Amen.
Labels: knowledge power